Date Published: June 10, 2021
AMPHITRITE
"Mahal na hari, ano ang masasabi mo sa mga salamangkero?" tanong ko. Lagi kong naririnig mula kay papa ay masasama sila.
Lumaki din akong may galit sa kanila dahil sa nangyari kay ate Aqua at sa ginawa nila sa kaniya. Mas lalo akong nagagalit ngayon dahil sa ginagawa nila.
"Tulad mo ay lumaki din akong may galit sa kanila dahil sa nangyari kay Julius noon. Naparusahan siya dahil sa pinarusahan niya ang salamangkerong nagtraydor sa kaniya." Sagot niya.
"Para sa 'ming mga warlock ay walang ginawang masama si Julius kaya hindi kami sang-ayon sa naging desisyon nila Setyr."
"Nagalit ba kayo kanila lolo dahil doon?" Umiling siya.
"Naisip din naman namin na sumusunod lang sila sa batas na ginawa nila mismo para maging payapa ang lahat at hindi tayo katakutan."
"Pero kahit na gano'n, pinaglaban pa din ng karamihan na mali ang desisyon nila pero, wala naman silang ginawa para laban sila dahil sa naparusahan na si Julius," dugtong niya pa.
"Ano ba ang mayro'n at lagi tayong ginugulo ng mga salamangkero?" Tanong ko naman sa kaniya at bumuntong hininga siya.
"Sa totoo lang ay hindi ko din alam ang sagot sa tanong mong 'yan, prinsesa." Sagot niya napatingin sa bintana.
"Simula noon pa ay talagang ginugulo na tayo ng mga salamangkero kahit na wala naman tayong ginagawang masama sa kanila." Dugtong niya pa.
"Naiintindihan ko. Lumaki kasi ako na sira na ang imahe ng mga salamangkero sa 'kin kaya tinanong kita." Paliwanag ko.
"Hindi ko talaga tanggap ang ginawa nila kag ate dahil lang sa binuhay niya si Julius." Dugtong ko pa.
"Lahat naman ng mga diyos at warlock ay iisa lang ang sinasabi at nararamdam pagdating sa mga salamangkero." Sumandal ako sa upuan.
"Pati rin pala ang mga diyos ay may galit sa kanila. Akala ko ay tayo lang dahil laging tayo ang kinakalaban."
"Hindi man nila kinakalaban ang mga diyos, ayaw nila ng gulo pero dahil sa nangyayari ngayon ay kinaaayawan din nila ang mga salamangkero."
"Naiintindihan ko na. Marami pa dapat ako matutunan." Komento ko at tumawa siya ng mahina.
"Kung may tanong ka pa, magtanong ka lang sa 'kin, mahal na prinsesa." Mabait naman pala siya at hindi tulad ng iniisip ko noon.
Maling-mali talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya dahil lang sa nangyari noon.
"Sige. Makaka-asa ka." Sagot ko naman at tumayo. Gusto kong maglagay ng bulaklak sa kaharian para naman may disenyo kahit paano.
"Kukuha lang ako ng bulaklak para may disenyo naman dito kahit paano. Mukha kasing malungkot 'pag wala eh." Paalam ko at umalis na para pumunta sa hardin.
•*•*•*•*•*
May narinig kasi akong usapan na nagagalit ng wala sa oras si Erethra at sa tuwing nakakaramdam siya ng negatibong emosyon ay namamatay ang lahat sa paligid niya.
Nandito na ako sa isang hardin na punong-puno ng mga magagandang bulaklak at napangiti ako.
Lumuhod na ko para kumuha ng mga bulaklak nang pinaligiran ako ng mga tauhan ni Kera. Tumayo ako at inatake silang lahat.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...