Chapter 9.

44 1 0
                                    

Date Published: July 8, 2021

AMPHITRITE

Kanina pa ko namomoblema sa kaharian dahil sa hindi ko alam kung paano nalalanta ang mga bulaklak na dinadala ko dito.

"Paano ba talaga nangyayari 'to? Nag-aalala na ko." Komento ko sa mga kawal habang nakatingin pa rin sa mga nalatang bulaklak.

"May nangyayari ba o may nararamdaman ba siyang hindi dapat na hindi niya lang sinasabi sa 'kin?" Nag-aalalang tanong ko pa sa sarili ko.

"Sigurado ba kayong hindi nagagalit si Erethra habang wala ako dito?" Tanong ko sa dalawang kawal at lumapit.

"Sigurado po kaming hindi nagagalit ang mahal na hari, mahal na reyna. Pwera na lang po kung siya na lang po mag-isa dito."

"Pero sa tuwing binabantayan naman po namin siya ay hindi naman siya nagagalit o nakakaramdam ng negatibong emosyon at 'yon po ay nasisiguro namin sa inyo, mahal na reyna." Pagbalita pa ng isang kawal.

"Gano'n ba? Maraming salamat." Sabi ko at lumapit kay Erethra nang nakita ko siyang lumabas mula sa kwarto.

"Mahal na hari, sigurado ka bang hindi ka nagagalit sa tuwing wala ako dito? Nag-aalala na ko." Hinawakan ko ang kamay niya.

May narinig na naman akong parang nabasag na salamin pero mahina lang 'yon ulit. Hindi niya ba talaga naririnig 'yon?

"Sigurado akong hindi ako nagagalit, mahal na prinsesa. Pati rin ako ay nagtataka dahil bago din sa 'kin 'to." Sagot niya.

"Sigurado ka ba?" Tumango siya at napabuntong hininga ako.

"Wala ka bang nararamdamang kakaiba o kung ano pa man?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Wala akong ibang nararamdaman, prinsesa. Ayos lang naman ako." Sagot niya sa 'kin at mas lalo akong kinabahan.

"Hindi kaya ito ang epekto ng pagsubok natin sa iba't ibang gamot o halaman para matanggal ang sumpa mo?" Tanong ko naman.

"Wala naman akong nababalitaang ganitong epekto, prinsesa. Saka, wala naman akong nararamdamang kakaiba o kung ano pa man kahit na napakadami ko nang nainom o nakain." Paliwanag niya

Punta kaya ako kanila papa o kay tito Blood para magtanong? Baka may alam sila tungkol dito.

"Punta lang ako kay tito Blood tapos kanila mama para magtanong tungkol dito dahil baka may alam sila." Paalam ko at bibitiwan ko sana ang kamay niya nang hinigpitan niya 'yon.

May narinig na naman akong nabasag na salamin at mas malakas na 'yon kaysa sa mga nauna pa.

"Narinig mo ba 'yon? Parang nabasag na salamin?" Umiling siya. Bakit ba ako lang ang nakakarinig ng tungkol doon?

"Pasensya na kung nahihirapan ka dahil sa 'kin." Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"Ayos lang." Hinawakan ko siya sa pisnge.

"Asawa kita kaya kailangan kitang tulungan sa lahat ng problema. Mag-asawa tayo." Dugtong ko.

Gusto ko siyang sumaya. Gusto kong makita ang totoo niyang ngiti at gusto kong malaman niya din ang tungkol sa nararamdaman ko.

Sa tuwing kasama ko siya ay may nararamdaman akong kakaiba kaya gusto kong pag-usapan din namin 'yon kaso alam kong matatakot lang siya kaya wala akong sinasabi.

"Maraming salamat." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawa sa pisnge niya at pinikit ang mga mata niya.

Nagulat ako nang may naamoy akong kakaiba sa paligid pero hula ko ay hindi niya naamoy o naramdaman 'yon.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon