Date Published: September 16, 2021
AMPHITRITE
Umalis na ako mula sa teritoryo ko para hanapin na si tito Blood kaya lumilingon ako sa buong paligid.
Habang hinahanap si tito Blood ay may napansin akong dahon at nilapitan ko 'yon. Hinawakan ko 'yon at napangiti dahil sa ganda nito.
Isa 'yong halaman na may kulay violet at malaki ito. May mabangong amoy din ito kaya kumuha ako ng tatlong piraso.
"Matanong nga kay tito Blood at baka alam niya 'to. Baka may posibilidad din na p'wedeng gamitin 'to para matanggal ang sumpa," saad ko sa sarili ko.
Pagkapitas ay agad akong naglakad paalis para pagpatuloy ang paghahanap kay tito Blood.
•*•*•*•*
Kanina ko pa hinahanap si tito Blood pero hindi ko siya mahanap kung saan ko siya huling nakita noon.
Nasaan na kaya siya kung kailan kailangan ko siya? Bakit ba kasi sa dami ng beses kong nakapunta sa bahay niya ay hindi ko maalala kung saan 'yon?
Habang natingin sa paligid ay may napansin akong isang maliit na bahay sa isang tabi.
Dahan-dahan kong nilapitan 'yon at kumatok muna. Agad namang may nagbukas n'on at nakita ko agad si tito Blood na nakakunot ang noo.
Napansin ko din na may suot siyang damit na hindi pamilyar sa 'kin. Wala naman kasi gano'ng damit dito sa Magique.
"Tito, kailangan ko po ng tulong." Agad ko siyang tinulak para makapasok ako sa loob ng tirahan niya.
"Tungkol na naman ba 'to kay Erethra?" Tumango ako at bumuntong hininga siya. Sinenyasan niya kong umupo kaya naman agad ko 'yun ginawa.
"Kung hindi mo alam, pati rin kami nila Thunder ay problemado din sa bugok na 'yon," komento niya.
"Ano pa po ba ang alam mong paraan para matanggal ang sumpa niya?" tanong niya habang may ginagawang kung ano sa isang lamesa.
"Hanapin si Yvannia para ipatanggal ang sumpa niya, mahalin siya pero dapat ay hindi ako mamamatay saka po hanapin ang nanay niya para talunin ito."
Humarap na siya sa 'kin at may hawak siyang isang kakaibang baso. Maliit ito at kulay puti saka parang may hawakan sa isang gilid.
Inabot niya sa 'kin kaya kinuha ko naman. May naamoy akong mabangong amoy mula sa inabot niya.
"Ano po 'to? Ang bango naman po ng amoy," komento ko sa kaniya.
"'Yan ang tinatawag na Lavender Tea mula sa bayan ng Arizalma," sagot niya.
"Ang Lavender ay isang uri ng bulaklak doon at isa din sa maganda at mabangong bulaklak," dugtong niya.
"May ibig sabihin din 'yang bulaklak na 'yan at 'yon ay ang kadalisayan, katahimikan, pagmamahal, kapayapaan, biyaya, at pagkamahinahon."
"Ang dami niyo naman pong alam tungkol sa mundong 'yon, tito," komento ko at tumango siya.
"Matagal na kong nanirahan doon eh. Mas matagal kaysa dito." Tumabi siya sa 'kin at tumingin ng seryoso.
"Kung gusto mo talagang tulungan si Erethra, gawin mo lahat ng sa tingin mo ay tama, Trite."
"Kasi kung may gusto kang tulungan o iligtas, kailangan mong magsakripisyo para sa taong 'yon."
"Kahit na ayaw niya pa, kailangan mong gawin dahil para sa kaniya din naman 'yung mga bagay na ginagawa mo." Tumango ako.
Ininom ko 'yung tea at agad akong nasarapan kaya inubos ko agad 'yun. Narinig kong napabuntong hininga si tito.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...