Date Published: September 23, 2021
ERETHRA
Kakabalik ko pa lang sa Kaharian ng Black at nakita kong naayos na niya ang mga pinitas niyang bulaklak sa lalagyanan nito.
"Aalis lang sana ako para pumunta sa teritoryo ko para malaman kung ligtas pa ba 'yon o hindi na," paalam niya at magsasalita pa lang sana ako nang agad siyang umalis.
Huminga ako ng malalim at mas lalong akong naabala dahil doon. Napaupo ako sa upuan at napasapo ng mukha.
"Inaway mo kasi kanina, amo. Ayan tuloy, nagtampo sa 'yo." Tumango ako kay Noire dahil hindi naman mangyayari 'to kundi dahil doon.
"Paano kung iwan niya ako? Paano kung hindi na niya ako balikan dito?" nag-aalalang tanong ko at mas lalo akong nanlumo.
"Kasalanan mo din naman po 'yan, amo. Makulit ka kasi eh. Ayaw mong makinig." Mas lalo akong natakot dahil sa mga pinagsasabi ng kunehong 'to.
"Manahimik ka na nga! Mas lalo lang akong nag-aalala dahil sa 'yo!" Pagkasabi ko n'on ay agad na may lumabas na itim usok at namatay lahat ng mga nabubuhay mula sa paligid ko pwera lang kay Noire.
Tumayo na ako at naglakad na ako paalis para makapaglakad-lakad man lang habang nag-iisip ng paraan para mapabalik siya sa kaharian.
•*•*•*•*•*
Habang naglalakad sa labas ay nakasalubong ko ang hari ng mga warlock kaya lumapit ako sa kaniya.
"Mukhang problemado ka na naman, Erethra? May nangyari ba sa inyo ng anak ko?" tanong niya at tumango ako.
"Mayro'n po, mahal na hari. Mukhang nasaktan ko ata ang mahal na prinsesa kanina," paninimula ko at bumuntong hininga.
"Alam kong mahirap dahil sa sumpa mo pero bakit hindi mo subukan na muna bago ka magbigay ng konklusyon mo," pagpayo niya sa 'kin.
"Tandaan mo rin sana na si Amphitrite ang anak ng warlock ng buhay at kamatayan." Umupo ako sa isang puno at tumabi siya sa 'kin.
"Alam ko naman po 'yon pero natatakot pa rin ako. Paano kung may mangyaring hindi natin inaasahan? Paano siya?"
"Naiintindihan ko ang hinanakit mo. Sa totoo lang, may problema din ako tungkol kay Dana." Napatingin ako sa kaniya.
"Unti-unti nang nasisira ang selyo mula sa kapangyarihan niya. Alam kong alam mo kung bakit kinakatakutan naming masira 'yon, 'di ba?" Tumango ako.
"Delikado ang kapangyarihan niya kapag nasira ang selyo. Kapag hindi ito na-control o nagamit ng tama ay p'wede niyang masira ang mundo natin," sagot ko.
"Nakausap ko si Blood isang beses, ang sabi niya ay bakit hindi na lang ako magtiwala at tulungan siya? Kasi baka 'yon ang kailangan ni Dana mula sa 'kin at baka 'yon din ang kailangan ni Amphitrite mula sa 'yo."
"Tiwala at tulong?" Napa-isip ako sa mga sinabi niya at napatango. Matagal na panahon na din simula no'ng nagtiwala ako kaya medyo nahihirapan akong ibigay sa kaniya 'yon ngayon.
"Alam kong mahirap at masakit pero sana naman ay hindi mo maliitin ang anak namin ni Dana. Mas malakas siya kaysa sa inaasahan mo."
"Nag-aalala lang ako sa anak niyo dahil ayokong mawala siya nang dahil sa 'kin. At saka, mahal ko siya pero hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya 'yon."
"Kundi mamamatay siya 'pag nalaman niya. Kaya mas okay na 'yong hindi niya alam." Hinawakan niya ko sa balikat at ngumiti.
"Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ang tama," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasiPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...