Date Published: August 12, 2021
AMPHITRITE
Binabasa ko ulit ang hiniram kong libro noon kay mama para malaman kung may bagong impormasyon ba akong mababasa.
Baka kasi ay mayro'n akong hindi napansin na impormasyon kaya binabasa ko ulit para lang makasiguro.
Habang nagbabasa ay may narinig akong ingay kaya napalingon ako sa direksyon na 'yon.
Nakita ko na nakabalik na ang mga kawal na nag-imbestiga sa labas sa Kaharian ng Black at inuulat na nila ang tungkol sa mga nalaman nila.
"Mga galing po sila sa tinatawag na Underground," paninimula ng isang kawal at nagtaka ako. Underground? Ano 'yon?
"Ang Underground ay nanggaling sa pinakatagong parte ng Magique. Kahit sino ay wala pang nakakapunta doon," paliwanag ni Erethra sa 'kin.
"Malakas ba sila o mapanganib? Saka ano ang kailangan nila ngayon?" Tumango siya sa 'kin at mas lalo akong nag-alala. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa 'kin.
"Hindi ko rin alam kung ano ang kailangan nila para manggulo ngayon. Kaya kailangan nating alamin agad 'yon para makapaghanda," sagot niya.
"'Wag kang mag-alala, mahal na prinsesa. Ako ang bahala sa 'yo. Po-protektahan kita mula sa kanila." Tumango ako at ngumiti.
"May tiwala ako sa 'yo, mahal na hari," sagot ko at yumakap sa kaniya. Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon ngayon.
Paano kaya ako makakapunta sa mundo ng manggagaway para makahanap ng paraan para matanggal ang sumpa niya.
"Mukhang mas mahihirapan akong makahanap ng paraan para matanggal ang sumpa mo," bulong ko sa kaniya.
"'Wag kang mag-alala. Ayos lang 'yon. Ayos lang naman sa 'kin kung hindi matanggal agad ang sumpa ko dahil sa nasanay na din naman ako."
"Pero gusto kong matanggal agad ang sumpa mo para maging malaya ka na at para makita kitang masaya." Nginitian niya ako.
"Napakabait mo talaga, mahal na prinsesa. Mas mahalaga sa 'kin ang kaligtasan mo kaysa sa sumpa ko." Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil hindi naman siya nakikinig sa 'kin.
"Magbantay kayo sa buong lugar at protektahan ang buong kaharian at ang sarili niyo." Agad naman 'yon ginawa ng mga kawal.
DANA
Nandito kami ni Ynna sa isang lugar sa Magique na masyado nang malayo mula sa mga kaharian. Masyado na ding madilim sa lugar na 'to.
Ito din ang unang beses na nakapunta ako dito dahil mukhang tagong parte na ito ng Magique na hindi pinupuntahan ng lahat masyado.
"Nasaan na tayo ngayon, Dana?" tanong niya at umiling lang ako.
"Mukhang naliligaw na ata tayo, Ynna. Hindi ko din alam kung nasaan tayo eh," sagot ko naman.
"Nako, ito na naman po tayo." Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa naging reaksyon niya. Pati rin naman sa gubat na nasa Arizalma at Dark World ay naliligaw din kami noon doon.
"Balik tayo sa pinagmulan natin bago pa tayo mapahamak dito." Tumango ako at maglalakad na sana kami nang bigla siyang humarang sa harapan ko at gumawa ng pananggalang.
"Kalaban? Bakit hindi naramdaman ang prisensya nila?" Kanina ko pa napansin 'yon mula sa kaharian ng mga Warlock.
Dati kasi, kahit na medyo malayo pa sila sa 'kin ay agad kong nararamdaman ang mga prisensya nila hindi tulad ngayon.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...