Chapter 22.

32 1 0
                                    

Date Published: October 7, 2021

AMPHITRITE

Naglalakad na kami ni Erethra pabalik ng kaharian habang magkahawak ang kamay at may naririnig akong padang nababasag na salamin.

"Mahal na hari, hindi mo pa rin po ba naririnig ang ingay na 'yon?" takang tanong ko at huminto kami mula sa paglalakad.

"Sa totoo lang ay naririnig ko na ang ingay na 'yan, prinsesa. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin niyan," sagot niya.

"Natatakot na ako dahil diyan. Ano kaya ang ibig sabihin ng ingay na 'yan? Mas lumala kaya ang sumpa mo?" nag-aalala kong tanong.

"Saka na muna nating isipin 'yan, sa ngayon, bumalik na tayo sa kaharian bago pa tayo mapahamak dito dahil sa mga kalaban," suhestyon niya.

Kaya naman pinagpatuloy na namin ang paglalakad pabalik ng kaharian bago pa kami atakihin dito ng mga kalaban.

•*•*•*•*•*

Pagkabalik namin sa kaharian ay nakita kong nalanta na naman 'yung mga pinitas kong bulaklak. Napatingin ako kay Erethra dahil doon.

"Nagalit ka ba kanina nang hindi ko alam?" tanong ko at napa-iwas siya ng tingin mula sa 'kin. Hindi niya rin ako sinagot.

Tinignan ko 'yung mga kawal at umiwas din sila ng tingin mula sa 'kin. Anong nangyari at nalanta 'yung mga bulaklak?

Lumapit ako kay Erethra nang may naalala ako bigla.

"Nagalit ka ba dahil akala mo ay iiwan kita?" tanong ko at dahan-dahan siyang tumango.

Niyakap ko siya ng mahigpit at gusto kong maramdaman niya na hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari.

"Kahit na anong mangyari, gusto kong maalala mo na hinding-hindi kita iiwan," sabi ko sa kaniya at tumango siya.

"Naiintindihan ko. May tiwala ako sa 'yo," nakangiti niyang sagot at medyo nagulat ako. 'Yung ngiti niya, parang totoo 'yon ah.

Dati kasi kapag nangiti siya ay malungkot pa rin 'to pero ngayon, talagang masaya siya at walang bahid ng lungkot.

"Bakit parang may nag-iba sa 'yo? Hindi ka naman ganiyan dati ah," komento ko at humiwalay na siya mula sa 'kin nang hindi niya pa sinasagot ang tanong ko.

May narinig kaming ingay mula sa hagdan at nakita namin si Cerrulean. Agad akong lumapit sa kaniya dahil sa hindi pa siya kilala ni Erethra.

Sa tuwing nakakakita si Erethra na hindi niya kilala dito sa kaharian ay agad siyang nakakaramdam ng mga negatibong emosyon at 'yon ang nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga mahahalagang tao sa paligid niya.

"Mahal na hari, siya si Cerrulean. Siya ang hari ng Kaharian ng Frost – pamangkin ko siya," pagpapakilala ko agad at naramdaman kong kumalma na si Erethra.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa hari ng Frost?" tanong ni Erethra.

"Nandito ako para makausap si tita," sagot ni Cerrulean.

"Gusto ko siya makausap tungkol sa mga kalaban. Sinusubukan kasi nilang makapasok sa teritoryo ng Frost at Glace pero hindi siya makapasok."

"Dahil 'yon sa klima ng lugar pero sa tuwing sinusubukan nilang makapasok ay may nararamdaman akong malakas na nilalang na nagtatago sa gubat," pag-kuwento niya.

"Malakas na nilalang?"

"Malakas na nilalang na para bang isa siyang warlock." Tumabi si Erethra sa 'kin at nakita kong seryoso siya.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon