Date Published: November 11, 2021
AMPHITRITE
Kanina ko pa kinukulit si Erethra dahil sa naiinip na talaga ako dito sa kaharian. Ayaw naman niyang makinig sa 'kin kaya mas kinukulit ko siya.
Gusto ko sanang maglakad-lakad sa labas para sa sariwang hangin kahit na kasama ko pa siya ay ayos lang sa 'kin para lang makasiguro na ligtas kami ng anak niya.
"Sige na, mahal na hari. Hayaan mo na akong makalabas mula sa kaharian," sabi ko at umiling siya.
"Buntis ka, mahal na prinsesa. Hindi kita p'wedeng palabasin dahil sa mga kalaban na nanggugulo ngayon," sagot niya.
Niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Hindi na ako nagpumilit dahil ayoko din namang may mangyari sa 'min ng anak namin.
"Kahit na kasama kita, ayaw mo pa rin?" Napabuntong hininga siya at magsasalita na sana nang may narinig kaming sunod-sunod na yabag ng paa.
"Mahal na hari, may lumulusob pong kalaban!" sigaw ng isang kawal at agad namang nagsilabasan ang ibang kawal.
"Talunin lahat ng mga kalaban. Walang ititirang buhay kahit isa. Wala kayong papatakasin," utos ni Erethra at agad itong sinunod ng mga kawal.
"Mahal na prinsesa, doon ka lang muna sa kwarto natin at magtago. Mas ligtas kayo doon ng anak natin. Ako na ang bahala dito." Tumango ako.
"Basta ingat ka. Mahal kita." Hinawakan niya 'yung kamay kong nakahawak sa pisnge niya.
"Mahal din kita." Naglakad na ako papunta sa kwarto.
THIRD PERSON
Pagkapasok ni Amphitrite sa loob ng kwarto ay agad na lumabas si Erethra mula sa kaharian para tulungan ang mga kawal niya.
Agad niyang inatake ang mga kalaban at ginagawang mga kawal ito. Kilala kasi ang kaharian ng Black sa mga kawal na mga patay.
Kaya naman lahat ng mga namamatay ay nagiging tapat na kawal na ng kaharian. Hindi sila basta-basta napapatay ng mga buhay pwera na lang kung diyos o warlock ang nakalaban nito.
"Bakit naman kasi, hindi na lang sila mawala? Bakit ba kasi patuloy nilang ginagawa ito?" Dahil sa nakaramdam ng inis si Erethra – na isa sa mga negatibong emosyon ay may lumabas na itim na usok mula sa katawan niya.
Pumunta ito sa mga kalaban at agad-agad silang namatay at naging kawal ng kaharian ng Black. Napahawak sa noo si Erethra dahil sa sobrang inis.
"Kayo na ang bahalang magbantay. Babalik na ako sa loob," sabi ni Erethra at naglakad na siya pabalik sa loob ng kaharian para pakalmahin ang sarili niya.
•*•*•*•*
Bumisita na sila Aqua sa kaharian ng Agua at agad nilang naabutan sila Abrevar sa trono at naglalaro. Agad namang lumapit si Cyan sa pwesto nila.
"Abrevar..." Lumingon si Abrevar at agad siyang napangiti dahil sa nakita niya ang kapatid. Agad itong tumakbo palapit kay Aqua at yumakap.
"Buti naman at dumating ka din. Kanina pa kita hinihintay," bulong ni Abrevar at hinalikan siya ni Aqua sa noo.
Nginitian naman ni Julius si Abrevar at tumango. Hindi na siya nagsalita dahil ayaw niyang sirain ang oras na 'to para sa magkapatid.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...