Chapter 16.

33 2 0
                                    

Date Published: August 26, 2021

Pagkabalik ni Soul sa mundo ng Magique ay nakasalubong niya si Blood at agad siyang napangiti sa kapatid.

"'Wag kang ngumiti kung may problema ka," sagot agad ni Blood at napabuntong hininga si Soul dahil doon.

"Usap tayo dito," pag-alok ni Blood at naglakad na siya papunta sa isang maliit na bahay. Sumunod naman si Soul sa kaniya.

Pagkapasok nilang dalawa sa loob ay may nakita si Soul na isang babae at may ginagawa itong gamot. Napatingin ang babae sa kanila at ngumiti.

"Professor! Pinabalik ako ni Master Ryle dito para sa halaman na 'to." May pinakitang halaman si Roséia.

"Sige. Bumalik ka na doon bago ka pa mapahamak," sabi ni Blood at napatingin si Roseia kay Soul.

"Hello po," bati nito. Nginitian lang siya ni Soul at umalis na si Roséia. Tinuro na rin naman sa kaniya ni Blood kung paano gagawin ang rituwal para makabalik sa Arizalma.

Umupo silang dalawa sa uuan at hinintay ni Blood na magsalita si Soul. "Nag-aalala ako para kay Dana," paninimula ni Soul.

"Nawawala na ang kakayahan niyang makaramdam." Tumango si Blood. 

"Nakita na rin ni Ynna ang hinaharap," komento naman ni Blood.

"Mukhang malapit nang dumating 'yung araw na kinakatakutan namin ni master." - Soul.

"Bakit hindi mo na lang hayaan? Wala ka bang tiwala kay Dana na mako-control niya ang kapangyarihan niya?" Napatingin si Soul sa kapatid.

"Naalala kita mula kanila Hashton noon kay Ynna. Takot na takot na masira ang selyo pero sa huli, nagawa namang kontrolin ni Ynna ang kapangyarihan niya."

"Nagwala siya no'n at hindi na-control agad pero sa huli ay natutunan naman niyang ma-control 'yon. Baka gano'n din naman si Dana."

"Kailangan niya lang ng tulong mula sa 'yo, kuya. Tulong na p'wede niyang asahan," sabi ni Blood at napatango si Soul.

"Hula ko, tama ka. Kailangan ko siyang tulungan at pagkatiwalaan," sagot ni Soul at napangiti kay Blood.

"Salamat. Mukhang marami kang natututunang bago mula sa mundong 'yon." Tumango si Blood.

"Araw-araw may ganap doon eh. Impossibleng wala akong matutunang bago," sagot naman ni Blood at tumayo.

Nagtimpla na siya ng tsaa para ipainom sa kapatid na hanggang ngayon, ramdam niyang problemado pa rin.

AMPHITRITE

Nandito kami nila mama ngayon sa loob ng academy. Puro libro dito at hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa kwartong ito.

"Tinawag ko na si tito Bryan kaya baka mamaya ay nandito na siya, Trite." Tumango ako kay Azurro.

Naglakad ako palapit sa mga nagkukumpulang libro at kumuha ng isa. Kumunot ang noo ko nang nabasa ko ang pamagat ng libro.

"The Warlock of Curse." Binuksan ko agad ang libro at binasa ang mga nakasulat doon. Hindi ko pinansin 'yung iba dahil sa wala naman akong kinalaman sa problema nila.

Binasa ko lahat ng mga nandoon at tungkol 'to kay Yvannia pero walang nakalagay kung saan siya nakatira at kung saang lawa siya natutulog.

"Bakit walang nakalagay dito?" Tanong ko at napabuntong hininga. 

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo basta-basta makikita ang hinahanap mo." Napalingon ako sa nagsalita.

Siya 'yung masungit na babae at alam kong may alam siya tungkol dito pero may possibilidad din na siya ang hinahanap ko.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon