Date Published: October 1, 2021
Sa ibang kaharian naman ay agad silang nagsipaghanda nang nasabihan na sila ng mga kawal galing sa kaharian ng Black tungkol sa pinuno ng mga kalaban.
Lahat sila ay nagpalabas ng mga kawal para protektahahan at bantayan ang kani-kanilang kaharian at teritoryo mula sa mga kalaban.
Nagpakalat na din sila ng mga kawal sa iba't ibang parte ng Magique para maprotektahan ang ibang lahing naninirahan sa mundo.
Nandito ang mga pinuno pwera lang kay Abrevar sa kaharian ng Puissant para pag-usapan ang tungkol sa mga nangyayari ngayon.
"Bakit wala si Abrevar dito? Hindi ba siya nasabihan?" tanong ni Aira sa lahat.
"Sa tingin niyo ba ay pupunta siya dito?" tanong ni Odin.
"Mas lalo na't kayong magkakapatid ang dahilan kung bakit umalis sa mundong 'to ang kapatid niya," dugtong niya pa.
Napatahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Odin dahil alam ng lahat na tama siya. Silang magkakapatid nga ang dahilan kung bakit lumayo ang katatandang kapatid nito sa mundo nila.
"Hindi pa rin ba niya tayo napapatawad hanggang ngayon?" tanong ni Aira.
"Bakit? Pinatawad niyo ba si Aqua sa isang kasalanan na hindi naman niya kasalanan?" tanong naman ni Odin.
"Mag-umpisa na tayo." 'Yon na lang ang sinabi ni Aira at tumingin na sa lahat.
"Ayon sa sinabi ng isang kawal galing Kaharian ng Black..."
"Ang pinuno ng mga kalaban ay ang ina ng hari nila at siya ang warlock ng kasamaan. Siya din ang nagsumpa sa hari nila."
"Ano naman ang kailangan niya ngayon at nanggugulo sila?" tanong naman ni Mia.
"Base sa ibang impormasyon na nakuha ko mula kay Abrevar ay nandito sila para manggulo," sabi ni Odin.
"Hindi nila gusto 'yung mga namumuno at ang batas kaya nandito sila para manggulo ulit sa mundo natin," dugtong pa ni Odin.
"Dahil lang doon ay manggugulo sila? Dapat tumahimik na lang sila kaysa naman sa manggulo sila dito, komento ni Almira.
"Kailangan nating protektahan ang lahat at talunin sila. Kung kinakailangan nating makipagtulungan sa kaharian ng Black ay gagawin natin," saad ni Aira.
"Tama ka diyan. Hula ko ay pwede naman nating maging kaibigan ang kaharian na 'yon dahil mukhang mabait naman ang hari." - Lia.
"Mas lalo na't ibinahagi niya ang impormasyon na nalaman niya sa 'tin." - Almira.
"Basta kung may nangyari man, sabihan agad ang isa't isa para handa ang lahat," komento naman ni Eurus at tumango ang lahat.
Nagsi-alisan na sila para bumalik sa kani-kanilang mga kaharian at napabuntong hininga si Aira dahil sa mga sinabi ni Odin.
"Alam kong pinagsisihan niyo 'yon, Aira. Pero tama si Odin, sobra ang ginawa niyo kay Aqua kaya hindi rin ako magugulat kung hindi niya kayo mapapatawad," sabi ni Eurus.
"Alam ko at naiintindihan ko 'yon pero masakit pa rin sa tuwing naririnig ko ang totoo mula kay Odin," sagot ni Aira.
"Mula sa ating lahat, mas malapit sila kay Odin dahil sa naiintindihan sila nito at hindi tulad natin," saad naman ni Eurus.
"Intindihin na lang natin kasi baka sa susunod na araw ay magpakita na sa 'tin si Abrevar at makipagsalamuha na siya sa 'tin." Tumango si Aira at yumakap kay Eurus.
•*•*•*•*•*
Habang naglalakad pabalik sila Mia sa kani-kanilang kaharian ay hindi na nakapagpigil si Heimdallr.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...