Date Published: August 5, 2021
Nandito sila Aira at Aires sa Kaharian ng Puissant at nakatingin lang sa bintana. Nasa ibang kaharian kasi ang iba kaya silang dalawa lang ang nandito ngayon.
"Nami-miss ko na talaga si Aqua." Komento ni Aires habang nakatingin sa Kaharian ng Agua. Niyakap naman siya ni Aira.
"Pasensya na anak kung nawalan ka ng kaibigan nang dahil sa 'min." Sagot naman ni Aira at hinalikan sa noo ang anak.
"Naintindihan ko naman po kung bakit kayo nagalit sa kaniya pero hindi naman nanggulo si Julius para itakwil niyo po siya ng gano'n."
"Alam ko, anak. Masyado kaming natakot noon at hindi namin naisip na baka hindi siya manggulo dahil malayo na sa kaniya si Kera." Napabuntong hininga na lang si Aires.
Mas lalong nakonsensya si Aira nang nakita niyang masyadong malungkot ang anak niya dahil sa nawalan ito ng isang kaibigan.
"Nasaan kaya ngayon si Aqua? Ayos lang kaya siya ngayon? Masaya kaya siya ngayon?" Tanong pa ni Aires at mas lalong nalungkot at tumitig na lang sa Kaharian ng Agua.
"'Wag kang mag-alala, anak. Kakausapin ko si Dana tungkol sa kaniya para sa 'yo. Para magkita ulit kayong dalawa." Paniniguro ni Aira dahil 'yon na lang ang tanging magagawa niya para makabawi kahit paano sa anak niya.
•*•*•*•*
Dito sa labas ng Kaharian ng Puissant ay nagbabantay ang mga kawal nang biglang may nagpakitang mga kalaban sa kanila.
Inatake nila ito at agad nilang natalo. May tumakbong mga kawal papasok ng kaharian para sabihan sila Aira tungkol sa nangyari para maging alerto at makasiguro na ligtas ang lahat.
"Tawagin niyo 'yung iba pang mga kawal para magbantay dito! Kakailanganin natin ng mas malakas na pwersa!" Utos ni Gallen at agad itong ginawa ng iba.
•*•*•*•*•*
Pagkarating ng dalawang kawal sa trono ay agad nilang nakita ang mag-ina na nakatingin sa labas at agad din silang nagsalita.
"Mahal na reyna, mahal na prinsesa, may lumusob pong kalaban sa 'min kanina mula sa labas ng kaharian." Agad na sabi ng isang kawal.
"Ano? Sino ang lumusob na naman dito?" - Aira.
"Hindi po namin alam kung anong klaseng nilalang po sila, mahal na reyna. Hindi din po namin alam kung saan sila galing." Sagot naman ng isang kawal.
"Ano po ang itsura nila?" Nag-aalalang tanong naman ni Aires.
"Parang mga kawal din po sila ng isang hindi kilalang kaharian." Sagot ng kawal.
"Mayro'n na namang hindi kilalang kaharian?" Dumating naman si Eurus at nakita ang nangyayari. Naglakad siya palapit sa mag-ina niya.
"Ano ang nangyayari dito at parang natataranta kayong lahat?" Takang tanong nito sa lahat.
"May bagong mananakop na naman po, papa." Simpleng sagot ni Aires at napabuntong hininga si Eurus. Napatingin ito sa mga kawal.
"Magbantay kayo ng maigi sa buong lugar. Siguraduhin niyong ligtas ang lahat." Utos ni Eurus at agad itong sinunod ng mga kawal at umalis na sila.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...