Date Published: September 2, 2021
AMPHITRITE
Kanina ko pa tinititigan si Erethra na nakahiga sa kama at nakatalikod mula sa pwesto ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin 'yung inis niya.
Umusog ako palapit sa pwesto niya at yumakap. Pinatong ko 'yung ulo ko sa braso niya. Hindi naman talaga siya laging ganito kaya nanibago ako sa kaniya ngayon.
"Pasensya na talaga, mahal na hari," bulong ko pa sa kaniya pero hindi niya ko pinansin. Gising pa naman siya pero hindi nga lang namamansin.
"Pasensya na talaga," bulong ko pa at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya at pinikit ko na ang mga mata ko habang nakaunan sa braso niya.
THIRD PERSON
~ AGUA KINGDOM ~
Nandito si Abrevar sa kailalimang parte ng kaharian at nakatingin sa isang salamin habang pinapanood ang lahat ng mga nangyayari sa labas.
"Masyado nang nagiging delikado ang lahat. Kailangan na talaga namin malaman kung saan sila nanggaling at sino ang pinuno nila," mahabng komento niya.
May dumating na anim na lalaki at yumuko ng onti kay Abrevar. Hindi sila pinansin ng hari kaya naman nagsalita na sila.
"Mahal na hari, naimbestigahan na po namin ang tungkol sa mga kalaban," paninimula ng isang lalaki.
"Sila po ang tinatawag na Underground. Sila po ang mga nilalang na matagal nang ipinatapon sa pinakamalayong parte ng Magiqe."
"Ipinatapon? Bakit?" Lumingon si Abrevar sa kanila.
"Dahil sa mga kasalanang nagawa nila sa dating reyna na si Lapresa. Sila po ay kinilalang mga kriminal dahil doon," sagot naman ng isa.
"Kung gano'n, bakit sila umaatake ngayon? Matagal nang patay ang Lapresa na 'yon kaya wala nang saysay pa kung gagawin nila ito ngayon," komento naman ni Abrevar.
"Gusto po nilang manggulo dahil 'yon ang utos ng pinuno nila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po namin nalalaman kung sino siya at kung ano ang pakay nito." Napatango si Abrevar.
"Sige. Pakisabihan ang ibang kaharian tungkol diyan para alam din nila. Mas lalo na ang Kaharian ng Black." Yumuko ang anim na lalaki at naglakad na paalis.
Habang naglalakad paalis ang anim ay dumating naman sila Evra at ang mga kapatid nito. Pinanood ng tatlo ang anim na lalaki.
"Mga anak, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Abrevar at naglakad palapit sa tatlo. Pumantay siya sa kanila.
"Nag-away po ba kayo ni mama?" Napatigil si Abrevar dahil sa tinanong ng anak.
"Bakit po laging iwas si mama sa 'yo?" tanong pa ng isa.
"Hindi kami nag-away ng mama niyo. Mayro'n lang kaming hindi pagkakaintindihan," sagot ni Abrevar at tumayo.
"Tara na. Doon na tayo sa taas." Tumango 'yung tatlo at naglakad na sila paakyat sa trono.
•*•*•*•*
Pag-akyat nilang apat ay agad nilang nakita si Hail na nakatingin sa bintana. Agad naman lumapit sa kaniya si Abrevar.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...