Date Published: May 14, 2021
AMPHITRITE
Nandito ako sa harap ng isang kweba habang hinahanap ang daang papasok doon kasi hindi ko ito mahanap. Tamang kweba ba ang napuntahan ko?
Luminga-linga ako sa buong paligid habang humahanap ng taong dadaan dito kaso wala ding katao-tao. Ano ba naman 'to?
Nakakatamad na 'to. Feeling ko talaga ay pinagti-tripan lang ako nila papa ngayon tungkol sa hari ng Black Kingdom.
"Makabalik na nga lang." Bulong ko at naglakad na paalis para pumunta sa Kaharian ng mga Warlock. Makausap nga sila papa tungkol dito.
~ WARLOCK KINGDOM ~
Pagkarating ko doon ay naabutan ko sila papa na naglalambingan at namita ko din na hahalikan din niya si mama kaya naman...
"'Wag po muna kayong gumawa ng isa pang anak, papa, mama." Pag-istorbo ko sa kanilang dalawa kaya naman napalingon sila sa 'kin.
"May nangyari ba sa kaharian ng Agua, anak?" Tanong ni papa.
"Wala po pero matagal ko na pong pinagmamasadan ang Black Kingdom." Lumapit ako sa kanila.
Sa sobrang tagal ko nang pinagmamasadan ang kaharian na 'yon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ako makakapasok doon.
"Hindi ko po alam kung paano makapasok sa loob ng kaharian nila dahil wala naman pong daanan." Komento ko pa at niyakap ako ni mama.
"Baka hindi pa handa si Erethra na makilala ka kaya 'wag mo munang pilitin, anak." Komento niya.
"Gusto ko lang naman pong malaman kung anong klaseng hari siya." Sagot ko.
Hinalikan niya ko sa noo at gusto ko talaga siyang makilala dahil pakiramdam ko ay ginamit lang ako para matigil ang kaguluhan dito sa mundo.
Simula pagkabata ay hindi ko matanggap 'yon dahil mawawalan ako ng kalayaan kaya naman lumaki akong may galit sa hari na 'yon.
"Sa ngayon, magpakasaya ka na muna habang hindi pa handang makipagkilala sa 'yo si Erethra. Kailangan mo ring maghanda para sa araw na 'yon." Tumango ako.
Wala naman akong magagawa kundi ang maghintay. Alam ata niya na may galit ako sa kaniya kaya umiiwas siya sa 'kin.
"Kumusta po si ate?" Tanong ko.
"Nandoon pa rin siya at kinukulong ang sarili niya." Nalungkot ako sa narinig ko.
Simula nang pinagtabuyan ng mga salamangkero si ate dahil sa pagbuhay niya kay Julius ay nagkulong na siya sa Sage.
Wala naman siyang kasalanan kaya hindi dapat siya nagkukulong doon at pinaparusahan ang sarili niya.
"Sana ayos lang siya." Komento ko at umalis na para kumustahin si ate sa Sage.
~ SAGE KINGDOM ~
Pagkarating ko sa kaharian ay nakita ko agad sila lolo Kyle kaya naman lumapit ako sa kanila at nagmano.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...