Chapter 31.

31 1 0
                                    

Date Published: December 9, 2021

Magkatabi pa din sila Amphitrite at Erethra sa kama habang nakikipaglaro pa rin sila kay Lyle nang may naalala si Erethra.

"Mahal na prinsesa, may nalaman ako tungkol kay Lyle. Sinabi ito ng estudyante ni Blood nang tinignan niya si Lyle," paninimula ni Erethra.

"Mayro'n daw malakas na kapangyarihan si Lyle at may posibilidad na hindi niya ito ma-control kapag nasa tamang edad na siya," dugtong niya.

"May sinabi ding ganiyan si lolo Ryle nang nakita ko siya mundo ng mga manggagaway. Sabi niya kailangang i-selyo ang katawan ni Lyle kapag malaki na siya," sagot naman ni Amphitrite.

"Kailangan daw siyang ilapit kanila lolo Sefyr para magawa nila ang ginawa nila kaya papa noon," dugtong pa nito.

"Kung gano'n, malakas nga ang kapangyarihan ni Lyle. Naalala ko ang kapangyarihan ng mahal na hari noon." Nandilim ang ekspresyon ng mukha ni Erethra.

"Hindi ko alam kung alam mo na ba ang tungkol doon pero, ang mahal na hari ay may tinatawag naming Persona."

"Persona?" takang tanong ni Amphitrite.

"Ang Persona ay isang personalidad na gustong mamuhay ng parang isang tunay na tao - nanggaling sila sa isang tao na may punong-puno ng konsensya na hindi mawala-wala," paliwanag ni Erethra.

"Wala silang kakayahang mangontrol ng ibang katawan pero ang Persona ng iyong ama ay mayro'n."

"Paano nangyari 'yon?"

"Dahil sa ang tunay na katawan ng iyong ama ay naka-selyo sa kinailaliman ng Kaharian ng Sage." Nagulat si Amphitrite sa narinig niya.

"Pero, sino ang kasama natin ngayon?" 

"Siya pa rin naman ang iyong ama kaso, may gamit siyang isang medium para doon na muna manatili hanggang sa maging ayos na ang tunay niyang katawan," paliwanag ni Erethra.

"Bakit hindi niya sinabi sa 'min ang tungkol dito? Alam ba ni mama?" sunod-sunod na tanong ni Amphitrite.

"'Yan ang hindi ko alam, mahal na prinsesa. Pero isa lang ang nasisiguro ko, namana niya ang kapangyarihan niya mula sa iyong ama," sagot ni Erethra.

Napabuntong hininga si Amphitrite dahil sa mga nalaman niya at napatingin kay Lyle na masayang nakatingin sa kanilang dalawa.

•*•*•*•*•*

Nandito si Erethra sa trono ng kaharian habang karga si Lyle. Pinatulog na niya muna si Amphitrite para mas makapagpahinga pa ito.

Nakatingin sila sa bintana at tumawa si Lyle nang may nakita siyang kuneho.

"Noire, tuwang-tuwa siya sa 'yo," komento ni Erethra. May lumapit ding kalapati sa kanila at mas lalong natuwa si Lyle.

"Kaninong alaga kaya ang kalapati na 'to?" takang tanong ni Erethra. Nagkatawang tao ang dalawa at hinawakan nila sa pisnge si Lyle.

"Ako po si Blanche. Alaga po ako ng mahal na reyna," pagpapakilala ni Blanche. Napalingon si Erethra nang napatingin sa likod si Noire.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon