Date Published: July 15, 2021
AMPHITRITE
Naglalakad ako ngayon sa isang hardin na malapit sa kaharian ng Black para kumuha ng mga bagong bulaklak para ilagay sa kaharian.
Naglalagay ako ng mga bulaklak doon dahil minsan ay nagagalit si Erethra nang hindi ko alam kaya ang mga bulaklak ang magsisilbing palatandaan ko para malaman kung may nangyari ba o wala.
Simula nang lumala na ang sumpa niya ay madalas na siyang nakakaramdam ng mga negatibong emosyon.
Habang pumipitas ng mga bulaklak ay may narinig akong yabag ng mga paa kaya napalingon ako at nakita ko si Erethra.
"Nandito ka lang pala, mahal na prinsesa." Saad niya naglakad palapit sa 'kin.
"Lagi naman po ako nandito para kumuha ng mga bulaklak, mahal na hari." Sagot ko.
"Ang mga bulaklak na 'yan, naglalagay ka na naman niyan sa kaharian para malaman mo kung nagalit na naman ba ako o hindi." Tumango ako.
"Ayokong mapahamak ka at ayokong makapatay ka ng mga inosenteng tao na nakapalibot sa 'yo kaya ko 'to ginagawa." Paliwanag ko.
"Humahanap pa ako ng paraan para matanggal ang sumpang nasa 'yo, mahal na hari. Kaya ginagawa ko 'to at sana maintindihan mo 'yon." Ngumiti siya.
"Naiintindihan ko kaya 'wag ka nang mag-alala pa. Maraming salamat sa tulong, mahal na prinsesa." Sagot niya.
"Pasensya na kung pati ikaw ay nadamay sa gulong 'to at makukulong sa isang relasyon na hindi ko alam kung magiging masaya ka ba o hindi." Umiling ako.
"Ayos lang sa 'kin. Inaalagaan mo naman ako at masaya ako doon. 'Wag ka nang mag-alala pa doon." Hinawakan ko siya sa kamay niya.
May narinig na naman akong nabasag na salamin kaso hindi ko na ulit pinansin pa. Tinanong ko ulit siya tungkol doon pero siniguro niyang wala talaga siyang naririnig.
Kaya naman hinayaan ko na lang at hindi na pinansin pa ulit dahil baka guni-guni ko lang ang tungkol doon.
"Balik na tayo sa kaharian para mailagay ko na 'tong mga bulaklak doon." Tumango siya at naglakad na kaming dalawa pabalik.
~ IN THE BLACK KINGDOM ~
Nakabalik na kaming dalawa sa kaharian at nilagay ko na sa lalagyanan ang mga bulaklak. Kapag ito namatay ulit ibig sabihin lang n'on ay nagalit o nakaramdam na naman siya ng mga negatibong emosyon.
"Mahal na hari, magpapaalam lang sana ako sa 'yo." Sabi ko at tinignan niya ako ng masama.
"Hindi naman ako magiging pasaway ah." Reklamo ko agad.
"Ano na naman ang gusto mong gawin?" Tanong niya.
"Pupunta ako kanila lolo sana para humingi ng impormayon tungkol sa mga sumpa." Sagot ko.
"Baka sakaling may alam sila tungkol sa mga sumpa, 'di ba? At saka baka kilala nila lolo ang tungkol sa diyos o warlock ng mga sumpa."
"Matagal nang walang balita tungkol sa kanila kaya impossibleng alam nga nila Setyr tungkol kay Yvannia kaya hindi ako umaasa na may malalaman tayong bago tungkol sa kaniya." Saad ni Erethra.
"Pero sige. P'wede pa rin namang subukan 'yon. Pasensya na talaga kung hindi kita matulungan diyan dahil sa nakakulong lang ako dito sa kaharian." Umiling ako.
"Naiintindihan ko kaya tama na sa paghingi ng tawad, mahal na hari. Saka may dapat kang gawin dito bilang hari kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Hinawakan ko siya sa pisnge at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...