Chapter 6.

40 1 0
                                    

Date Published: June 18, 2021

AMPHITRITE

Nandito pa din kami ni tito sa loob ng bahay niya at tapos na siyang gawin ang mga gamot. Naglakad siya palapit sa 'kin at inabot ang maliit na bote.

"Ito, papainumin mo sa kaniya 'yan at sabihan mo ako kung epektibo ba." Tumango ako sa kaniya.

"Sige po, tito. Salamat po sa tulong at sa gamot." Saad ko at tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko. Hinatid niya ako palabas ng bahay niya.

"Ingat ka sa pag-uwi, Trite. Delikado pa din hanggang ngayon dahil kay Kera." Paalala niya at tumango ako.

"Kami na po ang bahala sa kaniya, mahal na prinsepe. 'Wag na po kayong mag-alala." Saad naman ng mga kawal at bumalik na kami sa kaharian.

•*•*•*•*•*

Pagkarating sa kaharian ay agad akong naglakad palapit kay Erethra na nakatingin sa bintana ng seryoso.

"Mahal na hari, mayro'n binigay si tito Blood sa 'kin. Subukan natin at baka umepekto ngayon 'to." Saad ko at tumingin siya sa direksyon saka lumapit.

"Ano 'yan?" Tanong niya at una kong pinakita sa kaniya ang prutas na inabot ni tito sa 'kin kanina.

"Ito ang tinatawag na Red Fruit – galing ito sa Kaharian ng Agua at base kay tito ay may kakayahan iton magtanggal ng sumpa basta kainin lang at ubusin." Paliwanag ko.

"Hindi nga lang sigurado kung e-epekto nga ba." Dugtong ko naman at ngumiti siya. Kinuha niya ang prutas mula sa kamay ko.

"Subukan natin 'to ngayon, mahal na prinsesa." Tumango ako at pinanood ko siyang kainin 'yon.

Maya-maya lang ay naubos na niya ang prutas at tinitigan ko siya ng todo pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Ano ang nararamdaman mo?" Tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa sarili niya saka umiling.

"Ibig sabihin n'on ay hindi siya umepekto. Baka ang kaya lang sirain nito ay mahinang uri ng sumpa." Saad ko at bumuntong hininga.

"Ayos lang kung hindi umepekto ngayon, mahal na prinsesa. Mayro'n pa namang ibang paraan diyan kaya habaan pa natin ang pasensya natin." Suhestyon niya.

"Mayro'n pa palang ginawang gamot si tito kanina. Ito, oh. Subukan mo din at baka umepekto din siya, mahal na hari." Inabot ko sa kaniya 'yong maliit na bote.

"Iinumin lang 'yan sabi ni tito. Pupunta ako sa kaniya sa susunod para  masabihan siya tungkol sa mga gamot na 'yan." Paliwanag ko.

"Sige, iinumin ko na 'to." Sabi niya at ininom na niya ang gamot na nasa maliit na bote. Nahalata ko pa na gusto niyang iluwa 'yon.

"Panget ba lasa niya?" Tanong ko at tapos na niyang inumin 'yon at halata sa mukha niya na ayaw niya talaga sa lasa nito.

"Mapait. Sobra." Reklamo niya at binalik sa 'kin ang bote. 

"Ano ang nararamdaman mo?"

"Wala akong nararamdamang bago, prinsesa." Bumuntong hininga siya kaya naman napayuko na lang din ako.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon