Date Published: July 1, 2021
AMPHITRITE
Nakikipaglaro ako kay Evra at tumatawa siya habang sinusundot ko ang pisnge niya. Pinapanood lang kami ni Ardys habang naglalaro.
"Na-miss kita sobra, Evra. Naging abala kasi ako masyado sa Kaharian ng Black." Komento ko at hinalikan siya sa noo.
Napatigil ako nang naramdaman kong biglang kumalma na ang paligid. Natalo na ba nila ate si Kera ngayon?
Napatingin ako sa bintana at nakita kong medyo kumalma talaga ang lahat. Naging kalmado din ang hangin dito ngayon.
Nawala na ang nararamdaman kong panganib kanina kaya hula ko, natalo na nga nila si Kera sa mga oras na 'to.
"Kumalma na ang paligid, Ardys." Komento ko at lumapit si tito Odin sa 'kin.
"Kumalma na? Ibig sabihin ba n'on ay natalo na nila si Kera?"
"Parang gano'n na nga po, tito. Sana ay wala nang gulo pa ngayon." Sagot ko at pinakiramdaman ang sariwang hangin.
"Pagkabalik ni kuya dito, maghahanap na ako ng solusyon para sa sumpa ni Erethra." Bulong ko pa.
"Ingat ka sa iyong gagawin, Amphitrite. Kahit na natalo na si Kera ay may posibilidad pa din na mapahamak ka." Paalala ni tito.
"Naiintindihan ko po, tito." Nakangiting sagot ko naman sa kaniya.
"Trite, sasama ka ba?" Napalingon ako kay kuya at binigay si Evra sa kaniya.
"Sasama saan?"
"Pagpunta sa mundo ng manggagaway para makilala si lolo." Gusto ko sana kaso marami pa dapat akong gawin.
"Pasensya na pero hindi kuya. May mga dapat pa akong gawin kaya hindi ako makakasama, sa ngayon." Sagot ko.
"Sige. Sabihan ko na lang si mama. Una na kami." Tumango ako.
"Ingat kayo, kuya." Sagot ko at umalis na siya.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tumango ako kay tito bilang sagot. Sa ngayon ay mas mahalagang solusyonan ang isa ko pang problema kaysa sa pumunta sa kabilang mundo.
"Hindi ba't parang mas maganda kung pupuntahan mo ang lolo niyo dahil baka makatulong siya?"
"Tito, nakausap na po ni mama dati si lolo at hindi po siya makakatulong dahil hindi siya marunong manira ng sumpa." Sagot ko.
"Gano'n ba? Sige. Naiintindihan ko. Basta ingat ka lang." Sagot niya at pumunta na ko sa teritoryo ko.
•*•*•*•*•*
Pagkarating ko dito sa teritoryo ko ay agad akong umupo sa upuan at agad akong nilapitan ng mga diwata. Inayos nila ang buhok ko kahit na hindi ko sila sinabihan.
"Kumusta ka, mahal na prinsesa? Ang tagal mong hindi bumisita dito." Tanong nila sa 'kin.
"Ayos lang ako naman kahit na medyo problemado sa sumpa ni Erethra. Lahat ng solusyon na alam namin ay sinubukan namin kaso walang epekto." Pagkwento ko.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...