Chapter 26.

33 1 0
                                    

Date Published: November 4, 2021

~ A WHILE AGO ~

Nandito sila Aqua at Julius sa bayan ng Arizalma at nag-aalala dahil sa hindi nila makita kung nasaan si Cyan.

Kanina pa nila hinahanap ang anak nila pero hindi nila alam kung saan ito nagpunta nang nilapitan sila ni Ascied.

"May nangyari ba? Bakit parang natataranta kayong dalawa?" tanong nito sa dalawa. Tumingin si Aqua sa kaniya.

"Master, nakita o napansin niyo po ba si Cyan? Kanina pa po namin siya hinahanap pero hindi po namin siya makita," sagot ni Aqua.

"Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko siyang sumunod kay Blood kanina papunta sa gubat kasama ni Elia," sagot ni Ascied.

"Hindi ko lang pinigilan dahil naisip ko na baka isasama siya no'ng dalawa sa kung saan man sila pupunta ngayon," paliwanag pa nito.

"Saka mukhang nagselos ata dahil magkasama silang dalawa ni Elia at hindi na siya binibisita nito ng madalas, hindi tulad noon." Napabuntong hininga si Julius.

Sakto namang dumating si Ryle at lumapit sa pwesto nila. Nagtaka si Ryle dahil mukhang problemado si Aqua.

"Anong mayro'n at problemado ka, Aqua?" tanong nito.

"Si Cyan po kasi, sumunod daw kay tito Blood papuntang gubat. Paano kung pumunta ng Magique 'yon?" sagot ni Aqua.

"Pumunta ka na sa Magique at iuwi siya dito. Delikado pa naman doon ngayon dahil kay Ursula - ang warlock ng kasamaan," pagbalita pa ni Ryle.

"Naiintindihan ko po, lolo." Tumingin si Aqua kay Julius.

"Pumunta na tayo doon, mahal kong prinsesa." Tumango si Aqua at naglakad na sila paalis.

•*•*•*•*•*

Pagkarating ng dalawa sa mundo ng Magique ay agad silang sinalubong ng mga taga Underground.

"Anong" Bago pa makalapit sa kanila ang mga kalaban ay napatay na silang lahat ni Julius gamit ang yelo.

"Mga taga Underground. Mga pinatapon sila noon ng dating reyna ng Puissant na si Lapresa ang ina ng iyong ina," paliwanag ni Julius.

"Nanggugulo sila dito dahil sa hindi nila gusto ang mga namumuno pagi na rin ang batas. Ang pinuno ng mga taga Underground ay si Ursula ang warlock ng kasaaman. Siya din ang nagsumpa kay Erethra."

"Kung gano'n, delikado din pala ang Kaharian ng Black dahil sa kaniya. Ayos lang kaya si Trite doon?" Tumango si Julius.

"Kilala ko si Erethra. Alam kong hindi niya hahayaan na may mangyari sa kapatid mo," paniniguro nito.

"Mahal kong prinsesa, may pupuntahan lang ako saglit. Hanapin mo na lang si Cyan at bisitahin ang mga kapatid mo."

"Mag-ingat ka, mahal kong hari." Tumango si Julius at umalis na siya para puntahan ang isang kaibigan.

•••••

Nandito pa rin sila Aqua at Cyan sa Kaharian ng Frost habang hinihintay dumating si Julius. Ang sabi kasi ni Cerrulean ay bumisita sa kaniya si Julius kanina bago pumunta sa kaibigan nito.

"Hula ko po ay nandoon lang siya sa syudad ng Glace. Nandoon po kasi tita Shiva na kaibigan niya, mama," sabi ni Cerrulean.

"Alam ko pero sana ay ligtas lang siya. May mga kalaban pa naman," nag-aalalang sagot ni Aqua habang nakatingin sa bintana.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon