Chapter 7.

37 2 0
                                    

Date Published: June 24, 2021

AMPHITRITE

Masaya si Evra habang nakikipaglaro sa 'kin at nakikita ko din na medyo okay na si kuya at masayang nakatingin sa anak niya.

"Kumusta pala si ate?" Tanong ko.

"Okay lang siya doo, Trite. Hindi mo na kailangang mag-alala pa dahil sa sinabi na sa kaniya ni kuya Julius ang lahat." Sagot niya.

"Ikaw, kuya? Kumusta ka at ang trato mo mula sa ibang kaharian?" Tanong ko naman.

"Ayos lang naman pero, hindi ako nakikipag-usap sa kanila, Trite. Ayokong makita sila o makita man lang." Sagot niya.

"Hindi ko din tanggap ang ginawa nila kay ate kaya mas maganda nga talagang hindi makipag-usap o makipag-kita sa kanila." Sagot ko naman.

"Tama. Kaysa naman sa may magawa tayong hindi dapat, mas maganda na 'yong umiwas." Pagsang-ayon naman niya.

"Kumusta si Erethra? Alam mo na ba?" Tumango ako sa kaniya.

"Tinutulungan ko siya ngayon na humanap ng paraan para matanggal ang sumpa niya, kuya. May mga nasubukan na kami kaso, wala pang gumagana." Pagkwento ko.

"Gano'n ba? Wala kasi akong alam tungkol diyan pwera lang sa Red Fruit na nasa labas." Saad niya sa 'kin.

"Nasubukan na namin 'yon dahil sinabi ni tito Blood pero, hindi umepekto." Pagbalita ko sa kaniya at bumuntong hininga siya.

"Kung gano'n, malakas ang sumpa ni Erethra kaya hindi umepekto 'yon." Komento niya at napatingin ako kay Evra.

"Evra, ang cute mo talaga." Komento ko at tumawa siya. Umupo siya sa sahig at tumingin sa 'kin habang nakangiti.

"Tita..." Tawag niya sa 'kin at tumawa ako ng mahina. Masaya akong makilala siya ngayon talaga.

"Talagang masaya ka ngayon ah? Ako din naman ay masaya." Saad ko at tumingin kay kuya.

"Kailangan ko na atang bumalik, kuya. Pagabi na din kasi." Paalam ko at tumango siya. Tumayo na kami habang karga niya si Evra.

"Ingat ka sa pagbalik mo." Tumango ako at hinalikan si Evra sa noo niya.

"Sa susunod ulit, Evra. Uwi na ako sa 'min." Paalam ko din sa kaniya at kumaway siya sa 'kin kaya naman kumaway ako pabalik.

Naglakakd na ako paalis para makabalik na sa Kaharian ng Black.

•*•*•*•*•*

Pagkabalik ko sa kaharian ay agad akong umupo sa upuan dahil sa sobrang pagod at nilapitan ako ni Erethra.

"Okay lang ba, prinsesa? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin at ngumiti ako ng onti.

"Okay lang naman ako, mahal na hari. Pero mukhang kailangan ko na ata ng pahinga ngayon." Saad ko naman.

"Sige, tara na. Dadalhin na kita sa kwarto. Masyado kang madmaing ginawa ngayon." Suhestyon niya at inalalayan na niya akong tumayo at naglakad na kami papunta sa kwarto.

•*•*•*•*•*

Nagising ako nang naramdaman kong may nakayakap sa 'kin at nakita ko ang braso ni Erethra. Napangiti ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Hindi ko tinanggal ang braso niya at hinayaan na lang si Erethra na yakapin ako. Pinikit ko na ulit ang mga mata ko para matulog na lang ulit.

•*•*•*•*•*

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon