Chapter 23.

28 1 0
                                    

Date Published: October 14, 2021

AMPHITRITE

Kumakain na kami ng tahimik ngayon dahil tapos na kaming mag-usap. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang tungkol sa naisip ko kanina.

"Mahal na prinsesa, may problema pa ba tayo? Bakit mukhang problemado ka?" tanong niya at uminom ng alak.

"Wala namang problema, mahal na hari. Iniisip ko lang ang tungkol sa nanay mo dahil sa mukhang delikado siya," sagot ko.

"May problema nga..." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Sa bagay, may punto siya doon.

"Pero, 'wag mo nang alalahanin 'yan. Ako na ang bahala sa sarili kong ina – ako na ang bahalang kumalaban sa kaniya," sagot niya at tumango ako.

Alam ko naman na hihingi siya ng tulong sa 'kin kapag kinailangan niya. May tiwala naman ako sa kaniya kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

•*•*•*•*•*

Nandito ulit ako sa hardin at pumipitas ulit ng mga bulaklak habang iniisip 'yung tanong ko kanina. Hindi ko tinanong sa kaniya 'yon dahil ayokong malaman niya na mahal ko siya.

May kasama akong mga kawal para bantayan at siguraduhin na makabalik ako ng ligtas kaharian. Napatingin ako sa balikat ko nang may naramdaman akong pumatong doon.

Nakita ko 'yung kalapiti na ginamot ko noon. Napangiti ako at hinimas ang ulo niya, mukhang nagustuhan naman niya 'yon.

"Anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang sumama sa 'kin?" tanong ko. Umalis siya mula sa balikat ko at naging isang batang babae siya na may suot na puting damit.

"Matagal na po kitang hinahanap kasi gusto kitang maging amo," sabi niya at mas lalo akong napangiti.

"Sige. Sama ka sa 'kin at aalagaan kita, Blanche."

"Talaga po? Sige po! Gagawin ko lahat para lang makatulong sa 'yo, kamahalan." Pumapalakpak siya habang nagtatatalon.

Tumayo na ko nang tapos na kong pumitas ng maraming bulaklak at nagulat ako nang biglang lumakas ang hangin.

May nakita akong isang halimaw na may pakpak, may buntot at may isang malaking tenga. Parang gawa din sa kaliskis ang balat nito.

"Anong klaseng nilalang 'yan?" gulat kong tanong at doon ko lang din napansin na may kalaban siyang taga-Underground.

"Mahal na reyna, ayos ka lang po ba?" tanong ng isang kawal at tinuro ko sa kanila 'yung nilalang na nasa harap namin.

"Nakakainis. Kanina pa kayo nakaharang sa dinadaanan namin ni Professor Blood!" rinig kong saad no'ng nilalang.

Teka, Professor Blood? Si tito Blood ba 'yung tinutukoy niya? Saka bakit ang pamilyar ng boses niya?

"Argentum dolore!" Nagulat ako nang nagkaroon ng buhawi dito ngayon sa hardin kaya naman nagsiliparan lahat ng mga talulot ng bulaklak dito.

Napayuko ako nang may nakita akong pumuntang atake dito sa pwesto ko. Napalingon ako sa mga kawal at nakahinga ako ng maluwag dahil sa nakaligtas sila.

"Elia, tama na! Natalo na natin silang lahat," narinig kong saad ni tito Blood habang natakbo papalapit doon sa halimaw.

Elia? Ang pamilyar din ng pangalan. Saan ko ba ulit narinig 'yon?

Tumayo din ako at lumapit sa pwesto ni tito. Narinig ko pa 'yung pagtawag ng mga kawal sa 'kin pero hindi ko sila pinansin pa.

"Tito, alaga niyo po ba 'yung halimaw na 'yan?"

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon