Date Published: May 21, 2021
AMPHITRITE
Nakikipaglaro ako kay Cerulean ng chess at kanina niya pa ko natatalo. Hindi naman kasi ako marunong nito kaya wala akong reklamo.
"Tita, kumusta po si mama? Okay lang po ba siya at nagpapahinga lagi?" Tanong niya.
"Okay lang naman siya at nagpapahinga siya lagi." Sagot ko. Hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kaniya ang totoo.
"Sana ay sa susunod ay makabisita na siya. Nami-miss ko na po siya eh."
"Baka sa susunod, makabisita na siya." Paniniguro ko at naglaro na ulit kaming dalawa.
•*•*•*•*•*
Nandito na ulit ako sa harap ng kweba para maghanap ng dadaanan papasok sa Kaharian ng Black. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita kaya naman lumapit ako sa isang puno.
Nagtago ako doon habang nakatingin pa din sa kweba. Kapag ako nainis ay susugurin ko na 'tong kwebang 'to. Ang tagal ko nang naghihintay dito.
"Bakit ba siya hindi nalabas? Seryoso ba talaga sila mama o pinagti-tripan lang nila ako?" Tanong ko sa sarili ko. Maka-alis na nga.
Bago pa ko makalingon ay nakita kong may lalaking lumabas mula sa kweba at mukha siyang bata. Parang ka-edad ko nga lang siya.
Siya ang prinsepe ang kaharian? Mayro'n itong nakakatakot na prinsensya, malamig na mga mata at walang ekspresyon ang mukha nito. Nakaramdam ako ng kaba nang napatingin siya sa pwesto ko.
Naglakad siya palapit sa 'kin at huminto nang nasa harap ko na siya. Napalunok ako sa sobrang kaba at napayuko. Ano na ang gagawin ko ngayon?
'Nakakatakot naman ang prisensya ng isang 'to.' Komento ko sa isip ko.
"Ahmmm... A-alis na ako. Pasensya na po." Tatalikod na sana ako nang hinawakan niya ako sa braso.
"Dito ka lang. Hindi pa kita pinapaalis." Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw magpakita sa 'kin ng ama niya?
"P-pasensya na po. Hindi ko sinasadya 'yon." Sagot ko.
"Anong pangalan mo, binibini? At bakit ka ba laging nandito sa teritoryo ko?" Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko ang pula niyang mga mata.
'Bakit pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga mata niya?' Tanong ko sa isip ko.
"A-Amphitrite." Kabadong kong sagot.
"Ikaw ang anak ng reyna at hari ng mga warlock." Hinawakan niya ang kwintas ko at tinitignan 'yon.
Binigay sa 'kin nila mama 'yan no'ng nasa tamang edad na ko at hindi ko hinubad 'yan dahil baka manggulo ang ama niya.
"Ako si Erethra at alam kong alam mo na ikaw ang magiging reyna ko sa Kaharian ng Black." Tumango ako bilang sagot. Akala ko ay siya ang prinsepe. Siya na pala mismo ang hari.
"Ikinagagalak kong makilala ka, mahal na hari." Hinawakan ko siya sa pisnge at hinalikan siya doon. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...