Chapter 29.

34 1 0
                                    

Date Published: November 25, 2021

Nandito si Erethra at nagising na mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napatingin siya sa tabi niya at hindi niya nakita si Amphitrite doon.

Agad siyang bumangon at lumabas mula sa kwarto. Lumapit siya sa isang kawal na nagbabantay sa hagdan nang hindi niya pa din nakikita si Amphitrite.

Agad siyang nag-alala dahil baka may nangyaring hindi maganda sa kaniya at ayaw niyang may mangyaring masama sa asawa.

"Nasaan si Amphitrite? Bakit wala siya dito ngayon sa kaharian?" tanong agad nito.

"Ang sabi po ng mahal na reyna ay pupuntahan niya lang po si prinsepe Blood," sagot ng kawal.

Napatango-tango si Erethra at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Iniisip niyang ligtas lang si Amphitrite dahil kasama naman nito si Blood.

AMPHITRITE

Tinitikman ko ang tsaa na binigay sa 'kin. Ito ang tinatawag nilang Black Cherry Tea. Isa itong Black Tea na may vanilla, licorice, at strawberry.

Ang sabi din ni ate Roseline ay isang uri ng prutas ang strawberry dito sa Arizalma at may sarili itong panahon sa pagbunga.

At dahil sa may sariling panahon ito sa pagbunga, mahal ang benta niya dito saka, hula ko ay sulit naman ang pagbili dito dahil sa masarap naman.

Sa totoo lang ay marami na kong natikman simula pa kanina at dahil doon ay hindi ako makapili ng kung ano ang gusto ko.

Lahat kasi ng mga natikman ko ay masarap kaya hindi ako makapili ng kung ano ang ipapainom ko kay Erethra mamaya kapag nakabalik na ako.

"Isa 'yan sa mga pinakamabenta dito sa Arizalma. Masyado kasing matagal mamunga ang strawberry dito sa bayan dahil sa panahon nito," paliwanag niya.

"Masarap silang lahat kaya hindi po ako makapili ng isa. Hindi ko na din po alam kung ano ang ipapa-inom ko sa pagbibigyan ko nito," komento ko.

"Masarap din 'yung Bleu Mint, Blood Orange Tea, Blueberry Merlot Tea at 'yung Chocolate Rose Tea," dugtong ko.

"Sa totoo lang, maraming tao din ang nagre-reklamo sa 'kin dahil sa hindi sila makapili ng tsaa. Ako kasi ang gumawa ng mga tsaa na 'yan simula no'ng nagising ulit ako."

"Nagising ulit?" Tumango siya.

"Mahabang kwento kaya hindi ko na iku-kwento 'yon. Sa susunod na lang kapag bumisita ka ulit dito." Tumango ako at sumang-ayon sa kaniya.

Gusto ko din namang bumisita sa susunod ulit para mas malaman pa ang mga tungkol sa tsaa.

"Sige, ito na lang. Bigyan na lang kita ng tig-iisang flavor para matikman mo at ng pagbibigyan mo lahat. Para 'pag bumalik ka dito ay alam mo na kung ano ang gusto mo."

"Ayos lang po 'yon? Nakakahiya po. Ayoko naman po na mawalan ka ng benta dahil sa 'kin." Umiling siya.

"'Wag kang mag-alala, ayos lang kaya 'wag ka nang mahiya," paniniguro niya kaya wala na kong nagawa pa.

"Salamat po," sagot ko at ngumiti siya ng matamis sa 'kin at hinanda na lahat ng mga pinatikim niya sa 'kin kanina.

•*•*•*•*•*

Binigyan niya ko ng listahan ng mga tsaa at nilagay niya sa isang lalagyanan. Mayro'n din siyang binigay na tea pot at tasa.

"Ayan na ang lahat. Balik ka na lang dito kung may tanong ka pa o kaya may gusto ka pang malaman." Tumango ako.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon