Date Published: July 22, 2021
AMPHITRITE
Nandito kami ni tito Blood ngayon sa isang bayan na payapa. May mga batang naglalaro at may mga nagtitinda din.
May mga hayop din na mukhang naglalaro at ngayon lang ako nakakita ng ganiyang klase ng mga hayop.
"Tito, ano pong klaseng hayop 'yon?" Tanong ko at napatingin siya sa direksyon ng tinuro ko.
"'Yan ang tinatawag naming lobo at soro. Sila ang nagbabantay dito sa lugar na 'to at pinapakain sila ng mga naninirahan dito bilang kabayaran at pasasalamat." Paliwanag niya.
Napatingin ulit ako sa mga lobo at napangiti. Masaya akong malaman na inaalagaan sila ng mga naninirahan dito at binabantayan din nila ang lugar.
"Ito pala ang mundong pinaglakihan ni mama noon." Komento ko naman nang may naalala ako bigla.
"Dito ko rin siya unang nakilala noon." Sabi naman ni tito.
"Naging kaklase ko siya noon sa academy at nagkasama sa mga problema. Naayos naman namin 'yon kasama pa ng iba pa naming mga kaibigan."
"Ang galing naman. Mas nauna mo pa po pala makilala si mama kaysa kay papa." Tumango siya at naglakad na. Sumunod ako sa kaniya.
"Roses that are free and dancing in the air, be free with your everlasting freedom, Tantus auster liberum rosis." Saad ng isang babae na nakasalubong namin.
May lumabas na mga talulot ng rosas at pinalibutan siya nito na para bang sumasayaw. Ang ganda naman ng ginawa niya.
"Roselia, ingat. Baka biglang magwala na naman ang kapangyarihan mo." Pagsita ni tito.
"Okay po professor!" Nagulat ako nang biglang pumunta papunta sa 'min ni tito ang mga talulot ng rosas. Nakagawa naman agad si tito ng depensa kaya hindi kami nasaktan.
"Kakasabi pa lang, Roselia." Natawa ng mahina 'yung babae.
"Pero ang ganda ng mahika niya." Komento ko naman.
"Talaga? Maraming salamat sa pagbati." Lumapit siya sa 'kin at hinawakan sa kamay. Napangiti na lang ako nang nakita kong sobrang saya niya.
"Amphitrite, tara na." Agad akong napatingin kay tito at nakita kong naglalakad na siya paalis.
"Una na ko. Pasensya na." Paalam ko do'n sa babae at tumango siya.
Tumakbo na ako para mahabol si tito at tumigil siya sa harap ng isang hindi kalakihang bahay. Tumabi ako sa kaniya at tumingin sa bahay.
"Nandito ang hinahanap mo. Kaya mo na 'yan at mauuna na ako." Tumango ako at naglakad na siya paalis. Lumapit na ko sa pintuan at kumatok.
Tinuro kasi sa 'kin ni mama lahat ng mga natutunan niya dito sa mundong 'to kaya ginagawa ko lahat ng mga sinabi niyang dapat kong gawin.
"Sino 'yan?" May sumagot na babae mula sa loob at binuksan ang pintuan. Kumunot ang noo niya sa 'kin at medyo naging alerto.
"P-pasensya na. Pero nandito po ba si Lolo Ryle?" Tanong ko at bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Kaninong anak ka?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...