Date Published: October 28, 2021
AMPHITRITE
Pagkatapos naming malaman na matagal na palang natanggal ang sumpa ni Erethra ay nandito kaming lahat sa harap ng hapagkainan at nakain.
May tinatanong sila mama kay Erethra at sinasagot naman niya ito. Pati rin si Cyan ay nagtatanong din kung nasaan kami.
"Anong mundo po ba 'to? Alam din po ba ni mama 'to? Nakapunta na po ba si mama dito?" tanong ni Cyan sa 'ming lahat.
"Ito ang mundo ng Magique," simpleng sagot ni Erethra.
"Bakit wala siyang alam kung may dugong warlock naman siya?" tanong naman ni Erethra at nakita kong ngumiti si Cyan.
"Ito po ang Magique?" Tumayo si Cyan sa upuan habang natalon at kitang-kita ang saya niya ngayon. Agad naman siyang pinaupo ni tito Blood.
"Ano ba? Baka masaktan ka at mapahamak pa ako sa tatay mo," komento pa ni tito.
"Maging mabait ka naman, Cyan," dugtong niya pa.
"Sige po. Magiging mabait na ko sa 'yo para hindi ka maghanap ng iba," nakangiting sagot ni Cyan at hinalikan ni tito ang kamay nito.
"Kung gano'n, malapit na pala tayo sa bahay na 'yon," komento ni Tita Lei. Sabi niya kasi 'yon ay ang itawag ko sa kaniya eh.
"May pakinabang din pala ang paghamon mo sa kanilang lahat, Dan," nakangising komento naman ni Tita Ynna.
"Sabi ko naman sa inyo eh. Ako ang bahala, kayo lang naman 'yung walang tiwala sa 'kin," sagot naman ni tita Danera.
"Pagkatapos natin dito, pumunta agad tayo doon para matapos na ang gulo na mayro'n sa Vitadinem," sabi naman ni mama.
"Sana ay maging ligtas kayo sa inyong paglalakabay, mahal na reyna." - Erethra.
"Ma, ingat po kayo. Baka po may mangyari sa inyo eh." - Ako.
"Alam ko kaya 'wag ka nang mag-alala, anak. Saka ayoko din namang mas lalong mag-alala si Soul." Tumango ako.
"Elia, umuwi ka agad dahil delikado dito. Hindi 'to tulad ng Arizalma kaya umuwi ka agad sa 'tin."
"Opo, ma. Professor, pakibuksan na lang po 'yung daanan." Tumango si tito kay Roselia at tumahimik na ulit kami habang nakain.
•*•*•*•*•*
"Ngayon lang po ako nakakita ng ganitong pagkain. Ang sarap," masayang komento ni Cyan habang kinakain ang biskuwit.
"Cyan, dahan-dahan lang sa pagkain at baka mabulunan ka," paalala naman ni Tito Blood at dinahan-dahan naman agad ni Cyan ang pagkain niya.
"Alam din po ba nila mama ang tungkol dito?" tanong ni Cyan sa 'min ulit.
"Oo, Cyan. Alam nila ang tungkol dito pero mas napag-isipan nila na manirahan sa mundo ng mga manggagaway," sagot ni tito Blood.
"Bakit po ayaw nila dito?"
"Delikado dito, Cyan. Kaya nga ayaw namin na pumunta ka dito eh," sagot ko naman at lumungkot ang mukha niya.
"P'wede po bang malaman kung ano ang problema sa kabilang mundo, mahal na reyna?" tanong ni Erethra kay mama.
"Ang mga Underground ay nandoon na din at nanggugulo. Kaya naman iniimbestigahan namin kung bakit nila ginagawa 'yon doon," sagot ni mama.
"Nandito kami para hanapin din kung nasaan ang pinaka-base nila para sana kalabanin ang pinuno nila," dugtong niya pa.
"Sa ngayon, marami na kaming natatalong mga taga Underground na nasa mundo namin at habang nandito kami ay sila Master Ryle na muna ang bahala," saad naman ni tito Ynna.
BINABASA MO ANG
Black Kingdom (Kingdom Series #3)
FantasyPlease Puissant Kingdom and Frost Kingdom first before reading this story po. Thank you. Amphitrite is one of the princess of the warlocks. She was destined to be the wife and queen of the king of the Black Kingdom. Black Kingdom is one of the most...