Chapter 1: Three Years Rule

17.3K 362 28
                                    

Lila 




They say, Three months rule should be before you enter into a relationship again.

But that didn't work out for me, because it was three years, three years before I reopened myself for others. Pagkatapos ng mahabang panahon na pag momove-on sa ex-girlfriend ko na ngayon ay may asawa na at may masaya ng pamilya, ay sa wakas, naka hanap na rin akong muli ng lakas ng loob na makabalik sa Pilipinas.


People always say, you can't dictate destiny, if it's your time to love again then it is.

It took three years before I could find the person I would love again. The man who loved me so much and was willing to do everything for me. And his name was Michael, my boyfriend.

"Babe!" Masayang pagtawag nito sa akin habang tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan.

Pagkatapos ay agad akong binuhat habang kanyang yakap-yakap at inikot pa sa ere.

"Hi babe!" Masayang sabi ko rito pagkatapos niya akong ibaba. "I've missed you." Sabi ko pa atsaka ako nito nidampihan ng halik sa labi.

"I've missed you too." Naka ngiti na ganting sabi nito sa akin bago kinuha ang dala kong maleta.

"Alice are excited to see you. Kanina ka pa niya hinihintay." Iiling-iling pa na sabi nito sa akin habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.

"Really babe? Namiss ko rin ang bruhang iyon." Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita ni Alice, ang best friend/childhood friend ko.

"Abala siya sa pagluluto ng mga paborito mo, kaya hindi na rin siya nakasama sa akin para sunduin ka dito sa aiport." Paliwanag nito atsaka ako ipinag bukas ng pintuan ng kanyang kotse.

"Aww. Thank you babe!" Pagpapasalamat ko sa kanya.

"My pleasure babe." Kagat labing sabi nito bago napa yuko pa dahilan para ako ay mapatawa. Sandaling inilagay nito ang aking maleta sa likod ng sasakyan bago umikot na rin at sumakay para mag maneho.

Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilan  ang hindi maging proud sa sarili at mapa ngiti. Biruin mo iyon, after ng heartbreak ko from Breeze, makakahanap parin ako ng katulad ni Michael.

Aside from being handsome, he was a very gentleman guy, a very kind and very sweet. At talagang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito para sa akin. Kaya hindi na rin ako nagtataka pa ngayon kung bakit hindi naging kami sa huli ni Breeze, dahil bukod sa kay Catherine ito itinadhana, ay baka talagang para naman ako kay Michael.

Michael and I meet when he was on a vacation to Spain. Nag volunteer kasi ako that day para maging isang  tour guide, kahit isang araw lang. And I didn't expect na siya lang ang turista na i-totour ko that day.

Of course, nagkausap kami, getting to know and nalaman niya na kagagaling ko lang pala ng Pilipinas. Nasa stage pa kasi ako ng pagmomove-on ko kay Breeze noon.

He asked for my number and for some reason I gave it to him. Doon na rin kami nagsimula. Hindi man siya nagtagal sa Spain noon dahil hanggang 5 days lang ang kaya niyang ibigay sa sarili dahil kailangang mag trabaho pabalik ng Pilipinas, pero nagawa niyang bumalik twice a month sa Spain, para sa akin. Ang sweet niya, hindi ba? Kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog sa katulad niya.

And now, I've decided to come to the Philippines for good. Para hindi na rin ito pabalik-balik pa sa Spain. Isa pa, time ko na rin ito para bumukod muli, bagay na hindi naman na pinigilan ng mga magulang ko. And yeah, kilala na rin nila si Michael at butong buto pa sila rito.

HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon