Chapter 33: Too Soon But Too Late

3.9K 145 34
                                    

"The most painful moment of our lives is when people leave us without reason."

Sarah







Sabi nila kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka masasaktan. So I guess, nasa stage na ako ngayon kung bibitawan ko na ba o ilalaban ko pa.



Pero paano ko pa ipaglalaban ang isang bagay na alam kong ako nalang mag-isa? Kakayanin ko pa bang sumugal? Kakayanin ko pa bang harapin ang mga mas masasakit pa na mangyayari? Kaya ko pa bang harapin si Lila? Kaya ko bang kalimutan ang lahat ng mga nakita ko?



Oo. Ang sagot ko sa sarili ko.




Dahil nangako ako sa sarili ko, nangako ako na kahit na ano man ang mangyari, dumating man ang pinaka mapait na pagsubok sa relasyon namin ni Lila, haharapin ko. Kakayanin kong tumayo mag-isa, para sa aming dalawa. Kakayanin kong labanan ang mapaglarong tadhana, alang-alang sa pagmamahalan naming dalawa.




Eh ano ngayon kung hindi ako sigurado sa mangyayari sa dulo? Ano ngayon kung matalo ako? At least, diba? Alam kong hanggang sa huli, ginawa ko parin ang lahat. May ginawa ako para bumalik siya sa akin. Para sa amin.



Mahirap kasi kung susuko ka nalang ng walang ginawa. Mas masakit 'yon, knowing na alam mong may pwede ka pa sanang gawin para sa kanya pero hinayaan mo nalang. Mas masakit ang magsisi sa huli.




-----




Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako pamilyar sa kuwarto kung nasaan ako ngayon, doon lamang bumalik sa aking isipan na nasa bahay parin ako nina Breeze at Catherine.




Kahit na matamlay parin ang katawan, pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga at nag-ingat sandali.



"Minsan, hindi na mahalaga kung nasaktan tayo ng mga taong minamahal natin. Ang mahalaga, kung papaano natin sila mapapanatili sa mga buhay natin." Naalala kong payo ni Breeze sa akin kagabi.



"Do you still remember? I was in the same situation as you before, but I didn't give up. I never stopped to win back Catherine's heart." Pagpapatuloy nito sa kanyang sinasabi.


"Kahit na sobrang durog na durog na ang puso ko noon, hindi iyon naging hadlang para patuloy kong mahalin si Cath. At alam kong alam mo yan."


Yes. I still remember those times. When they both suffer because they cannot be with each other. Because Cath cares more about how I feel when she leaves me.



Paulit-ulit na naririnig ko ang mga sinabi ni Breeze sa aking isipan. Para iyong pana na tumatagos sa puso't isipan ko at ayaw mawala. At tama nga siya, kaya hindi ngayon ang tamang oras para isuko ko ang laban na meron kami ni Lila.




Dahil doon, mabilis ang kilos na inayos ko ang aking sarili. Agad na nagpaalam din ako sa mag-asawa na ngayon ay abala na sa kanilang pag pasok sa opisina. Hanggang sa nahuli ko na lamang ang aking sarili na nagmamaneho na ng sasakyan, pauwi sa bahay. Kinakabahan man, pero pilit na pitatapang ko ang aking sarili.




Sa kabila ng lahat ng nangyari, gusto ko paring malaman at marinig ang mga dahilan ni Lila. May karapatan naman siguro siyang magpaliwanag, hindi ba? Kahit gaano pa man iyon kasakit, makikinig ako. Gustong-gusto ko na rin kasi na muli siyang mayakap.



Bago pa man maging huli ang lahat.



Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero isang bagay lang ang idinadalangin ko ngayon, na sana ay hindi pa huli ang lahat para maayos ito. Kahit na ano pa ang totoo, tatanggapin ko. At paulit-ulit ko iyong ibinubulong sa sarili ko. At iyong video, alam kong mabubura rin iyon sa isipan ko. Ang mahalaga parin sa akin ngayon...ay si Lila.




HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon