Chapter 29: Love And Soul

5K 172 9
                                    

Lila






Pagkatapos ng ilang araw na pagmumukmok ko sa loob ng aking kuwarto pagkatapos ng aking trabaho, pagkatapos ng ilang araw na pag-iwas ko sa mga taong nag-aalala sa akin, sa paulit-ulit na pagtawag ng aking mga magulang at pati na rin si Michael ay sa wakas, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na harapin na ang bukas ng hindi na kailangang matakot at mangamba pa.




Sa araw-araw na pagbibigay ng saya at ngiti sa akin ni Sarah, ay naging mas naging matibay na ako. Naging mas matapang na ako na panindigan ang desisyon ko. Mas nagkaroon ng maraming halaga ang naging desisyon ko na pakikipag hiwalay kay Michael, mas naging makabuluhan ang lahat ng mga ginagawa ko. Mas nakilala ko kung sino ba talaga ako at sino ba talaga ang taong nararapat na paglaan ko ng buong buhay ko. At iyon ay walang iba, kung hindi si Sarah.




Pupungas-pungas ako bago bumangon sa aking higaan habang nag-iinat pa at nakapikit parin ang mga mata. Sandaling napalunok pa ako pagkatapos bago tuluyang iminulat na ang mga mata. Agad na bumungad sa akin ang isang sketch pad na nakalagay sa ibabaw ng kama kung saan nasa aking tabi lamang. Kunot noo na kinuha iyon bago tinitigan.



Mukha ko lang naman iyon habang natutulog. At wala akong ibang naiisip na gumawa noon kung hindi, si Sarah.



Agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ng maisip na siya nga ang may gawa noon, at mas lalo pang naging malawak ang aking pag ngiti ng mabasa ang note na naka dikit sa sketch pad.



"Bonjour, mon magnifique amour. Bonne journée! (Good morning, my beautiful love. Have a nice day!)" Isinulat niya iyon in French, ngunit naiintindihan ko naman kahit papaano.



Dahil sa excitement na biglang naramdaman ay mabilis na napatalon ako mula sa ibabaw ng kama at handa na siyang hanapin sa buong bahay para bigyan ng isang matamis na halik. She never failed to impress me.



Ngunit agad din akong natigilan at naglalaki ang mga matang napayuko sa sahig. Para bang biglang gustong kumawala ng puso ko ngayon mula sa loob ng aking dibdib at magtatatalon sa tuwa dahil sa aking nakikita sa mga sandaling ito.




Many petals of red and white roses spread throughout my room. Even if I wonder I can't stop the surprise and my eyes glitter all around. I also couldn't stop biting my lip because Sarah was so sweet to me. At noon ko lamang din napansin ang isang lumang kanta na paulit-ulit na nagpaplay sa buong paligid.




Dahil sa hindi na ako makapag hintay pa na mabigyan ng kanyang premyo si Sarah, ay agad na lumabas na ako aking kuwarto pagkaraan ng ilang sandali.




Katulad ng aking inaasahan, magmula sa loob ng aking kuwarto, hanggang sa paglabas ko ay mayroon paring mga petals ng roses, pababa ng hagdanan, sa may kusina at kahit na sa may sala ay mayroon ding mga petals ang nandoon.





Natawa ako ng mahina sa aking sarili dahil sa kilig. Seryoso ba talaga siya? Eh kami rin namang dalawa ang maglilinis nito mamaya ha. Hindi ko mapigilan ang hindi sabihin iyon sa sarili upang pagtakpan ang sariling nararamdaman.





Patuloy lamang sa pagtugtog ang kanta habang hinahanap ko si Sarah sa paligid. Hanggang sa makarating ako sa labas, sa may pool na hanggang doon ay mayroon paring mga petals ng bulaklak.




Ang romantic talaga ng girlfriend ko. Sabi ko sa loob ko.




A familiar beautiful smile greeted me as she stood at the edge of a round table, with two chairs on either side. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapalunok at makaramdam ng kakaibang feelings mula sa loob ng aking katawan, lalo na noong pasadahan ko ng tingin ang kanyang buong katawan. Sino ba naman kasi ang hindi maaakit sa isang katulad niya? Kung sa ganitong kagigising mo pa lamang eh, sasalubungin kana kaagad ng sweetness niya, isama mo pa ang kasuotan niya ngayon na isang short-shorts at hanging na t-shirts kung saan nang-aakit ang kanyang mga nagyayabang na abs.




HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon