Chapter 30: The Chaos

4.4K 155 20
                                    

Sarah






After a weeks since Lila broke up with Michael, ay naging maayos na rin siyang muli. Siguro ganon talaga kapag naging matapang ka na panindigan ang naging desisyon mo. Lalo kung tanggap mo ang kung ano mang dapat na mangyari.



Of course, isa ako sa mga naging masaya para sa desisyon ni Lila.



Dahil una, girlfriend ko na talaga siya. Pangalawa, wala na akong dapat pang ipag-alala dahil hiwalay na sila ni Michael. At pangatlo, magagawa ko na ang lahat ng plano ko para sa aming dalawa ng walang alinlangan.


Selfish ba akong matatawag kung mas pinili kong maging masaya sa paghihiwalay nila? Napa buga ako ng hangin sa ere. Sana hindi.


Naipakilala na rin ako nito bilang kanyang kasintahan sa mag-asawang Breeze at Cath. Isama mo na rin si Adriana, na halatang ayaw talaga sa akin para sa kanyang kaibigan. Pero sa huli, wala na rin siyang nagawa pa kung hindi ang maging masaya para kay Lila. That's what friends are for, right? At si Billy naman, plano naming sabihin sa kanya ng personal kapag nakabalilk na ito galing sa Macau.



At mukhang nakakalimutan mo yata ang best friend ninyong si Alice? Paalala ng aking isipan.



Hindi ko nakakalimutan 'yon. Kaya pagkatapos ng araw na ito, haharapin ko na si Alice. I mean, haharapin namin siya ni Lila ng magkasama.



Habang nagmamaneho at tinatahak ang daan papunta sa meeting place ng aking bagong kliyente, hindi mabura-bura ang matinding kaba at pangamba sa aking dibdib. Mayroon na kasi akong kutob kung sino itong kliyente na bago, sana nga lang eh nagkakamali lamang ako ng hinala.




Sinabi kasi nito na huwag ko munang ipapaalam ang tungkol dito sa manager ko. Sinabi rin nito na huwag kong isasama sa pagkikita namin ngayon si Lila dahil may importanteng i-ooffer siya sa akin.



I mean, hindi ko na dapat kailangan pang magtaka. Dahil sa dami ng naging kliyente at project ko, ngayon lamang ako naka encounter ng ganito, iyong hindi kasama sa meet up ang aking manager. Kahit na ganoon, buong puso at lakas loob parin na makikipag kita ako sa kanya.



Pagdating ko sa nasabing cafe shop kung saan kami magkikita, agad na iginala ko ang aking paningin sa paligid ngunit bigo ako na mahanap ang taong inaasahan kong makikita ko. Marahil mas nauna akong dumating kaysa sa kanya. Kaya naman, agad na umorder nalang muna ako ng kape at nagtungo sa may medyo tago sa puwesto.



I waited a few more minutes for him. Until someone entered the shop, isang lalaki at babae na sa tingin ko ay nasa 50's na ang mga ito base sa kanilang itsura. Ngunit mahahalata mong mayroong kataasan ang antas ng kanilang buhay.



Their eyes quickly found me. I didn't know what to do, I thought Michael was the one who wanted to see me. Agad na humakbang ang mga ito papalapit sa akin. Seryoso ang kanilang mukha at ang kanilang mga mata ay naka pako lamang sa akin.



Noong tuluyan ng makalapit ang mga ito sa aking pwesto, agad na umupo sila sa dalawang bakanteng upuan na nasa aking harapan. Hindi parin nagbabago ang kanilang itsura, nakapa seryoso parin ng kanilang awra.




Ngunit ganoon na lamang ang aking gulat at hindi ko rin mapigilan ang hindi mapasinghap ng magtama ang aking paningin sa mukha ng lalaki. Noon ko lamang na realize na hawig nito ang magagandang mata ni Lila.



At ang ilong, labi at shape ng mukha naman ng babae ang nakuha ni Lila mula sa kanya. Napalunok ako ng mariin dahil ngayon palang, alam ko na, na sila ang mga magulang ni Lila.



HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon