Chapter 21: The Orphanage

6K 164 7
                                    

Sarah





"Sarah, saan ba talaga tayo pupunta?" Curious parin na tanong nito sa akin, hindi pa ko parin kasi sinasagot yung tanong niya kanina pa. Basta ko nalang siyang ginising at pinagbihis ng maaga.


Marahan na kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay at hinalikan ang likod nito.

"I have to show you something." Naka ngiting sagot ko sa kanya habang kumikinang pa ang aking mga mata. Hindi ko maitago sa aking boses ang excitement na nararamdaman.



Gusto kong dalhin siya sa lugar kung saan ako lumaki. Gusto kong ipakilala sa kanya mismo, kung sino at saan ba nagmula ang isang Sarah Rodriguez.



"And what is that?" Pangungulit pa niya. Ayaw talaga niyang papigil, ano? Masyado siyang makulit.


"Just wait baby. We'll be there soon." Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang ginawang paglunok nito at agad na nangamatis ang kanyang mga pisnge ng marinig ang pagtawag ko sa kanya.


Palihim naman na napapangiti ako sa aking sarili.



"You're smiling." Komento ko pa bago nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa kalsada.



"Hmmm.." She's still blushing. "Masaya lang ako." Pag-amin pa niya.



Napatawa ako ng mahina. "Because?" May sumisipil na mapanuksong ngiti sa gilid ng aking labi.



"N-Nothing. Mag focus ka nalang sa pagmamaneho ng makarating na tayo kung saan man tayo papunta." Pag-iiba niya ng usapan. Mabilis na napa salute ako sa kanya at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.



"Yes ma'am!" Iiling-iling naman nitong ibinaling sa labas ng bintana ang kanyang paningin.



If there's one thing in this world I'm afraid to lose, it's her, Lila. I am so in love with her that I can't afford to lose her. I don't want to lose her like I lose Cath before.



I know it's wrong, dahil mayroon siyang nobyo. At magmumukha akong masama sa ibang tao, pero anong magagawa ko? I love her. I fell in love with her.



Every day I thank God, for sending an angel like her in my life. She turned my life into a journey of love and happines again. Waking up next to her every day is nothing but a pure blessing.



And now, I wanted to show her how serious I am, dahil ang mahalin siya ang isa sa bagay kung bakit nagiging worth it ang buhay ko ngayon.



Ngayon ko lang napatunayan na, kahit na masaktan ka man ng maraming beses at mabigo ng paulit-ulit, magiging worth it ang lahat ng iyon kapag ibinigay na ang tamang tao para sayo.



Magbabago ang lahat ng papanaw mo sa iyong buhay. Magbabago ang lahat ng maling pinaniniwalaan mo. Magiging maliwanag ang mundo. Muling iikot ang mundo dahil sa pagmamahal mo sa kanya.



At totoo nga ang kasabihan na; walang makaka predict kung sino o ano ang nakatadhana para sa iyo. Kusa iyong ibibigay ng universe sa buhay. Handa ka man o hindi, kung iyon ang kapalaran mo, mangyayari iyon sa ayaw at sa gusto mo.



Katulad nalang sa amin ni Lila. Natawa ako sa aking sarili ng maisip iyon. I never thought na hahantong kami sa ganito, mga Ex lang naman kami ng Ex-girlfriends namin. Pero heto na kami ngayon.



Sometimes it feels like I'm having a dream but then I realize it's all real. She's real. I was crawling in darkness before she showed up. She took my soul away from its hiding place. And then...she carry my heart with her.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon