Chapter 12: Intensions

6.3K 213 14
                                    

Lila POV





Isang linggo na ang nakalipas simula ng maganap ang araw na iyon sa pool. Ewan ko rin, pero halo-halo ang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon. Kinailangan kong humugot ng mas maraming kontrol sa aking sarili bago tuluyang bumigay sa mga labi ni Sarah.



At thankful ako dahil walang nangyari. Ang hirap-hirap kalabanin nitong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nakikita ba iyon ni Sarah kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon o sadyang pinagtitripan lang na naman niya ako.



Inaamin ko rin bago pa man mangyari ang araw na iyon ay tudo ang pag-iwas ko sa kanya, kahit na sa trabaho. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ko iyon ginawa eh bigla ko nalang siyang mahahalikan ng wala sa oras.



At ngayon naman, mukhang nagkabaliktad ang mundo namin. Siya na naman itong parang hindi ako nakikita at naririnig. Napaghahalataan ko rin na ayaw ako nitong kasama at hindi siya komportable na kasama ako. Hindi ko alam kung bakit.



That's why last night, I decided to sleep over here with Michael, sa kanyang condo. Bagay na hindi naman kinontra pa ni Sarah. Iyong para bang mas okay pa sa kanya na wala ako sa pamamahay niya.


What did I do wrong? She was so annoying. She didn't want to say it and even though I asked her several times she didn't answer me right. My head was about to explode because of worries.



Iiling-iling na bumangon na ako sa kama. Mas maigi pang ituon ko na lamang sa trabaho itong nararamdaman ko. Hindi na ako na konsensya, nasa condo ako ng aking nobyo pero lumilipad kung kanino itong isipan ko.



Pagbaba ng kama ay agad na lumapit ako sa glass wall ng kuwarto at hinawi ang malaking kurtina na humaharang sa magandang view mula dito sa forty six floor ng building kung saan ang kuwarto ni Michael.


But I didn't expect what I would see, a huge billboard of Sarah still facing it in my direction. I laughed to myself.


"Pati ba naman dito?" Tanong ko sa sarili bago napahinga ng malalim.


Sandaling pinagmasdan ko ang kanyang mukha mula sa billboard. Ang ganda-ganda niya talaga at mukha siyang inosente sa suot nitong floral summer dress sa picture.


Ilang babae na ba ang napa iyak mo? Ilang babae na ba ang dumaan sa buhay mo Sarah? Tanong kong muli sa sarili. Of course, marami na. At kung gaano kadaming babae na ang dumaan sa buhay niya, ganoon din kadami ang patuloy na naghahabol sa kanya.


Muli, isang napaka lalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Ano bang gagawin ko sayo?" Tanong ko habang naka tingin parin sa kanyang litrato.

Hayyyy. Enough for this, Lila. Kumilos kana dahil malayo pa ang iyong biyahe. Paalala ko sa sarili kaya agad na tumalikod na ako mula sa magandang view na aking tinitignan. Ayaw ko naman sigurong mawalan ng trabaho, hindi ba?


Knowing that Michael was downstairs while he was having coffee and reading his documents, I hastened my action and took a quick shower. Ayokong malate din ito sa kanyang trabaho dahil lang sa kabagalan ko.

After an hour, when I was done with everything, putting a light make up on my face and looking at myself in the mirror, I was finally ready to go.


Pagbaba ko sa sala, naka ready na si Michael, sa lahat.  Habang naka upo sa couch at naghihintay sa akin.


"Good morning babe!" Pagbati ko sa kanya at agad itong napa tingin sa direksyon ko.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon