Chapter 16: Sweet But Naughty

6.8K 200 49
                                    

Lila





"Hi beautiful. How are you?" Malambing na tanong ni Michael sa akin sa kabilang linya.

Kagat labi na napa ngiti naman ako ng marinig ang kanyang boses. "I'm fine babe. How are you?" Ganti na tanong ko naman sa kanya habang gumagawa ng aking banana smoothie dito sa kusina.


Narinig ko na parang abala ito sa kanyang ginagawa sa kabilang linya. "Ahh, sorry babe. Gotta go. Ngayon kasi ang alis namin papuntang Baguio."

"Oh shit! I'm sorry babe, I forgot. God!" Paano ko nakalimutan iyon? Eh last week pa niya iyon pinagpaplanuhan.


Napatawa siya. "It's okay babe, sayang nga at hindi ka makakasama. Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" Yeah. As a matter of fact, last week pa rin niya akong kinukulit tungkol sa bagay na iyon.


Napa iling ako kahit na hindi naman niya nakikita.

"I can't babe. Marami pa akong tatapusin na gawain. And hmmmmm...I think you forgot that we had a concert we were supposed to attend on Sunday." Malungkot na paalala ko sa kanya, na sa tingin ko ay malabo na talagang mangyari pa dahil nakalimutan nga niya. Literally.


"Fuck!" Narinig ko na pagmura niya sa kabilang linya. "I'm so sorry babe. I'll make it up to you. I promise. Just please...don't be mad at me." Napahinga ako ng malalim atsaka napa nguso.


"It's okay babe and I won't. Hehe. Anyways, enjoy your trip this weekend with your family. Okay?" Rinig ko ang malalim din nitong paghinga.


"I love you, Lila. Babawi ako. Okay?" When I heard those words, I was suddenly shocked and stunned in my place. I don't know, pero para bang naninibago ako na marinig iyong salitang 'yon mula sa kanya kahit pa palagi naman siyang nag I-I love you sa akin.

"I-love you too, babe." Utal sa wika ko bago napalunok. "Be safe, okay?" Pagkatapos ay mabilis ko na itong pinatayan.

Nanghihina ang mga tuhod na napa upo ako sa center  island habang napapapikit ng mariin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


"That's so sweet." Narinig kong komento ng isang boses. Pagmulat ng aking mga mata ay agad na bumungad sa akin ang kanyang seryoso, ngunit maganda parin na mukha. Ang kulay asul niya naman na mga mata ay nakatitig lamang ng malalim sa akin. Napa iwas ako ng tingin.


"Ahem! K-kanina ka pa ba nandiyan?" May halong pag-aalala na tanong ko. She slowly nodded.

"Yes." Tipid niyang sagot. "Are you okay?" Pag-iiba niya ng usapan. "Parang kulang nalang himatayin ka sa sobrang sweet ninyo ng boyfriend mo eh." Mapakla na dagdag pa niya bago napa ngisi.


Isang pang malakasan na pag irap ang ginawa ko bago siya binigyan ng pamatay na tingin. Ayoko siyang patulan, isa pa, wala ako sa mood ngayong umaga.


"May kailangan ka ba?" Malamig na tanong ko sa kanya. She just simply shrugged before approaching me.


Huminto siya sa aking harapan, ilang inches ang layo ng kanyang mukha mula sa akin. Kumakabog ang dibdib na napatingin ako sa kanyang mukha.


Ano na naman bang binabalak niyang gawin?


She just stared at me in my eyes for a few seconds. And she slowly started to swallow and look at my lips. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang hindi mapatingin sa kanyang nang-aakit na mga labi at ang mapalunok. May ilang araw na rin kasi simula noong huling beses na lumapat ang labing iyon sa aking labi.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon