Chapter 35: Her Memories

4.3K 153 18
                                    

Sarah




"You know how much I love you, right?" Bulong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok nito. Naka sandal din ang hubad nitong katawan sa akin.


It's a blessed morning for me, dahil yakap-yakap ko na siyang muli, ang babaeng akala ko eh ipinagdamot na talaga ng mundo mula sa akin.


Napatingala ito bago sinalubong ang mga mata ko, atsaka ako binigyan ng mabagal na pagtango bilang sagot sa itinanong ko.


"That's why, I'm very thankful that you're here again next to me." Muling sabi ko pa bago ko ito hinalikan sa kanyang noo.



"Please don't leave me again." Pakiusap ko pa. "Hindi ko kakayanin kapag nangyari pa 'yong muli. Baka tuluyan na akong mabaliw."


Inayos nito ang kanyang katawan at iniharap iyon sa akin. Mataman na tinitigan lamang ako ni Lila sa aking mukha bago ako marahan na hinalikan sa aking labi.


Those lips of her that I miss so much, I would never think I could taste them again.


"I will never leave you again. And I promise you that." Wika nito habang nakatitig sa mga mata ko. "I will stay, no matter what happens, just you and me."



"Promise?" Parang bata na tanong ko naman sa kanya habang napapanguso pa. Natawa siya ng mahina, iyong tawa nito na nagpapakalma sa nagwoworry kong damdamin.



"Promise, baby." Sabi niya with matching taas pa ng kanang kamay bilang tandan ng kanyang pangako.



Pagkatapos noon ay niyakap ko siya ng mahigpit, iyong mahigpit na mahigpit na tila ba ayaw ko na siyang bitiwan pang muli.



Ngunit bigla na lamang akong nagising sa hindi malamang dahilan. Agad na iginala ko ang aking paningin sa paligid, nasa sala ako ng bahay at hindi naman sa kuwarto. Walang Lila na nasa tabi ko ngayon at ang tanging bote ng alak ang yakap-yakap ko.


Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi pangungulila at pagkalugmok. Hindi totoong bumalik siya, imahinasyon lamang iyon. Bigla na lamang muling  nagsi-unahan sa pagpatak ang aking mga luha.

"Liar." Bulong ko sa aking sarili habang umiiyak. "Sinungaling ka." At tuluyan na nga na muling napahagulhol.


Isang linggo na akong ganito, isang linggo na akong umaasa na magigising pa sa bangungot na ito. Isang linggo na akong nagdurusa simula ng mawala siya, simula ng iwanan niya ako. Marami na sa mga kliyente ko ang nagagalit, 'yong iba gusto ng maghanap ng ipapalit sa akin dahil hindi nila ako makausap o ayaw kong magpakita. May iba pa na gusto akong sampahan ng kaso. Pero wala akong magawa, it's their choice, may choice sila eh. Katulad nalang ni Lila.


So let's let them do what they want, I don't care anymore. Matagal na rin naman talagang sira ang buhay ko diba? Ako lang naman itong makulit at pilit na binabago ang kapalaran ko, pero ang totoo? Ayaw talaga sa akin ng mundo. Napakalupit niya sa akin. Ayaw niya akong maging masaya.


Itong bahay lang na ito ngayon ang nakakapitan ko, kaya mas gusto ko dito ang magkulong. Dito kasi lahat ng ala-ala ni Lila. Kahit saang sulok ng bahay nakikita ko siya. Kahit saan ako tumingin nandoon siya. Pakiramdam ko kapag dito lang ako, kasama ko parin siya, na nandiyan lang siya. Kapag nasa sala ako, nasa kuwarto siya. Kapag nasa kuwarto naman ako nasa kusina siya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nandiyan lang siya, ganoon ang pakiramdam ko.


Mas gusto kong paniwalain ang sarili ko sa paparaan na gusto ko. Ayaw kong isipin, ayaw kong kumbinsihin ang sarili ko na wala na talaga siya, kasi dito...sa puso ko, nandiyan parin siya. Kahit na malayo na siya nandito parin siya at mananatili siyang nandito. Kahit na sinaktan niya ako o nagawa niya akong iwanan, nandito parin siya...sa puso ko.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon