Sarah
*After 1 month*
Hindi ko lubos akalain na makakayanan kong bumangong muli, mula sa pagkakadapa at pagkalugmok. Masasabi ko na sa ngayon, medyo gumaan na ang lahat. Naayos na namin ni Alice ang lahat ng kinaharap kong kaso, sa tulong na rin ng mag-asawang Sullivan, sa tulong ni Adriana na hindi ko akalain na makakapalagayan ko ng loob, ng malapit na ring ikasal na sina Billy at ng kanyang magiging asawa na si Aerin Hamilton.
Sa tulong nilang lahat, unti-unti, nahahanap ko ng muli ang sarili ko. Kahit na minsan, alam kong may kulang parin pero mas nagfofocus na lamang ako ngayon sa career na meron ako. Mas pinipili kong igugol ang sarili ko sa trabaho, maging busy sa araw-araw. Wala eh, kailangan kong gawin ang mga iyon para mairaos ang bawat araw na hindi ko kailangang maalala ang malungkot na sinapit ng buhay ko.
Kung itatanong ninyo 'yong puso ko? Heto, sugatan parin at pilit na nagpapakatatag. Pilit na pinupulot ko parin ang bawat bahagi nito na nabasag, upang tuluyan ng mabuong muli.
Alice is now busy preparing for Lila's upcoming wedding. At sa makalawang araw na ang alis nito papuntang Spain. Napalunok ako sa aking sarili ng maisip iyon.
Masakit? Oo. Masakit parin hanggang ngayon. Pero katulad nga ng sinabi ko, choice niya na 'yon. Wala na akong magagawa pa 'don.
I hope she doesn't regret her decisions one day. I wish nothing but happiness and a good life for her.
Ako naman, sa kabila na ikakasal na ang babaeng minamahal ko sa kanyang ex-boyfriend, ay naghahanda na rin para sa aking pagbalik sa Paris.
Yes, I'm coming back to Paris. I have completed all the projects I have here in the Philippines and I have not left one. I've managed my career well here, kahit na naging maingay man ang pangalan ko sa mga balita at magazines dahil sa mga naging issue ko, okay lang. Wala man akong formal na manager, may dalawang tao parin naman ang nagsilbi at tumayong manager ko pansamantala, si Breeze at Adriana. Biruin niyo 'yon? Naisingit parin nila ako sa kabila at kanan na schedules nila. And of course, with the help of Adriana's cousin, Sommer.
Samantala, sa wakas ay nakapag desisyon na rin ako na iiwan ko na muna itong bahay ko at pati na rin ang aking mga kotse sa pangangalaga ni Alice. Kasama na ang pag bitaw ko sa lahat ng alaala na meron kami dito ni Lila.
Maybe I'll be back here in the Philippines for a vacation, when I want to be here for Christmas. And on the day of Billy's wedding, she mentioned that I was invited.
Napa ngiti ako sa aking sarili. Inaamin kong, miss ko na rin ang amoy ng hangin sa Paris. Pati na rin ang condo ko roon na walang kahit isa, na ala-ala ni Lila. Maybe that's one of the reasons for me to forget about everything. Right?
Habang naglilinis ng ibang gamit dito sa labas ng bahay malapit sa pool, ay may bigla na lamang akong narinig na humintong sasakyan sa tapat ng gate.
Na sa tingin ko ay si Alice na iyon, o kung hindi naman, isa lamang sa magkakaibigan. Iniwanan ko rin kasi na nakabukas ang gate para hindi ko na kailangan pang iwanan itong ginagawa ko.
Pinagpatuloy ko lamang ang ginagawa ko at hinintay na may magsalita mula sa aking likuran, nang marinig ko ang mabibilis na mga yabag nito papalapit sa akin. Natawa pa ako ng mahina bago tuluyang napaharap dito.
"And what took you so long---"
Suddenly I stopped and could not move in my position to see the face of a person I never expected to see again. Kusang bumalik ang sakit na nararamdaman ko noong unang araw na iyon. Bumalik ang lahat ng mapapait na alaala mula sa video na nakita ko. 'Yong galit na meron ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa amin ni Lila. Pero pilit na itinago ko iyon upang hindi niya mahalata.
BINABASA MO ANG
HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETED
RomanceMeet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masaya na sa kanyang binubuong pamilya. Nangako ito na magpapaka straight na at hinding hindi na muling...