Chapter 28: Michael Knows

4.8K 174 29
                                    

Lila




"I'll come with you." Ang sabi ni Sarah bago ako bumaba ng kotse upang kitain si Michael.


Agad naman na napailing ako at binigyan siya ng ngiti.



"Hindi na, kaya ko na." Pagtanggi ko naman sa kanya. Tinignan niya ako sa aking mga mata na parang bata atsaka napa nguso pa. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa.



"Fine." Pagpayag ko. Awtomatiko naman na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.



"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis." May pagmamayabang na sambit nito atsaka mas maayos na ipinarada ang kanyang sasakyan.



Kababalik lamang namin kaninang umaga galing sa beach house ni Breeze. At ngayon rin, ang araw na napag planuhan kong kitain si Michael upang sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa amin ni Sarah.



Kanina pa nga ako kinakabahan at hindi mapakali. Bahala na kong anong mangyari. Ang importante eh magpakatotoo sa sarili.



Hindi na rin ako nag-abala pang itext o tawagan ito. Mas minabuti ko na lamang na puntahan siya sa sarili nitong opisina. Mas maigi na iyon, mas private. Habang itong si Sarah naman ay napaka kulit at ayaw akong tantanan na samahan. Wala naman akong magagawa dahil kahit pa anong pagmamatigas ko, nagiging marupok ako sa huli dahil sa mga pagpapa cute niya.


Agad na dumiretso kami sa kanyang sekretarya. Noong una ay nagtanong pa ito kung mayroon ba akong appointment, hindi kasi ako madalas pumupunta rito kaya hindi siguro ako kilala. Ngunit noong sinabi ko na sa kanya ang aking pangalan ay agad na napa ngiti siya ng mas malawak at pinapasok na ako ng tuluyan sa loob ng opisina ni Michael. Habang si Sarah naman ay tahimik na naka sunod lamang din sa aking likuran.



"Babe! What a surprise! What are you two doing here?" Agad na tanong niya bago napatayo ng makapasok na kami. Malawak ang kanyang mga ngiti na iginawad sa amin ni Sarah, halatang ang saya-saya rin nito noong makita ako.


Pasimple naman na hinawakan ako ni Sarah mula sa likod ng aking balakang atsaka napa bulong.



"I think, I'll just wait outside." Napalunok ako bago napa tango sa kanya, agad naman na lumabas na siyang muli ng pintuan pagkatapos.



Habang ako naman, kinakabahan na muling napa harap at napa ngiti kay Michael. Nanginginig din ang aking mga tuhod na humahakbang papalapit sa kanya.


He looked at me with concern in his eyes.



"Why? Is there a problem babe? You look...sad." I shook my head. Sinalubong ako nito ng yakap atsaka marahan na iginaya papalapit sa mahabang sofa na nasa loob din ng kanyang opisina.



Hinintay ko muna na tuluyang maging kalmado ako bago muling nagsalita. Humugot na rin ng mas maraming lakas ng loob.



"M-Micheal.." Napahinto ako atsaka siya tinignan ng diretso sa kanyang mga mata. "May sasabihin ako."



He paused for a moment as he stared back into my face. "Importante ba yan babe?" Tanong niya bago napaiwas ng tingin at napalunok na rin.


Mabilis na napatango ako. "Yes." Sagot ko sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay. "Hindi ako pupunta rito mismo, kung hindi ito importante." Dagdag ko pa.



"Mas importante pa ba yan sa paparating na engagement natin?" Nahihimigan ko ang hindi pagsang-ayon nito sa gusto kong sabihin bago mabilis siyang napatayo.



HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon