Chapter 5: Arrogant And Demanding

7.2K 214 17
                                    

Lila






Isang linggo na ang nakalipas simula ng maging manager ako ni Sarah. I didn't expect this either. Gusto ko lang tulungan si Amelia, isa pa, sumuko na talaga ito dahil sa pag-uugali ni Sarah. That's why she contacted me and said that if it were possible in the meantime, I would replace her as Sarah's manager. Total nandito rin naman daw ako sa Pilipinas.

Bagay na hindi ko naman tinanggihan dahil unang-una, I need a job. At pangalawa, isa ito sa gusto ko, ang maging manager ng isang sikat na celebrity. Hindi ko nga lang pinangarap na sa lahat ng magiging katrabaho ko ay si Sarah. Pero hayaan na, ang importante, maipapakita ko rin sa kanya kung anong klaseng tao ako.


Isa pa, baka kaya hindi kami madalas magkasundo sa dahilang hindi pa talaga namin kilala ang isa't isa. Naka base lamang kami pareho sa kung anong ipinapakita namin sa bawat isa.

Within a week, somehow, I could see for Sarah what Amelia was seeing in her. Ang pagiging mainitin nito ng ulo, pagiging mayabang, isama mo na rin ang napaka demanding nitong tao.


Sasabihin niya na ito ang kailangan mong gawin pero pagdating sa huli, hindi naman niya magugustuhan at pagagawin ka na naman ng ibang bagay.

Isang beses, hindi niya nagustuhan ang napili kong damit para sa kanyang photo shoot, so she yelled at me and said something in front of other people. Napaka maselan niyang tao at ang hirap, hirap pakisamahan.

She must always be the right one. You must not contradict what she says. Because when you do that, you are still the wrong one and the worst, when it comes to the end.

So pa nga bang magagawa ko kung hindi ang mananahimik na lamang at magtitimpi. Parte ito ng aking trabaho. Ang maging matimpihin, habaan ang pasensya at lawakan ang pang-unawa. Kahit na minsan ay gustong-gusto ko na rin itong sagutin at sigawan dahil sa inis.

But I stayed professional at my job. I know that, after all that she has been shouting at me, when it comes to the end, it's just a job. Do not take it personally. Kahit na minsan ay masasakit na ang mga salitang binibitiwan nito at halatang namemersonal na.


"Lila, where the hell are you?!" Singhal nito sa kabilang linya. Napa pikit ako atsaka sandaling inilayo ang telepono sa aking tenga. Nakaka basag naman sa ear drums 'yong boses niya.

"Relax, Sarah. Pwede ba? Pabalik na ako dyan." Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili.

Inutusan kasi ako nitong bumili ng kanyang lunch at hindi ko naman akalain na mapapalayo pa ako dahil mabibili lamang iyon mula sa isang French Restaurant. Kung alam lang niya kung gaano kahirap 'yong mga ipinag-uutos niya.

"Can you please hurry because I'm hungry? I only have 30 minutes and the shoot will start again." Pagkatapos ay pinatayan na ako nito.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatirik ng mga mata. Naisip ba niya kung nakakain na ako? Utos lang siya ng utos!

Pagdating ko sa studio ay kaagad siyang hinanap ng dalawang mga mata ko. She was already standing there, well done with her hair, make up and clothes. Nagtataka na napa tingin ako rito bago siya nilapitan, mabilis naman na nahagip ako ng kanyang paningin bago ito lumapit sa akin.


"It's good that you're here." Sabi nito bago napa tingin sa camera man kung saan tinatawag na ang pangalan niya.

"Let's start?" Napa tango siya rito bago muling  ibinalik ang mga mata sa akin.

"Wait, hindi ka ba muna kakain?" May concern na tanong ko sa kanya dahil kagabi pa ito walang kain, panay tubig lang ang laman ng kanyang tiyan. Hindi naman ako ganoon kasama no? Isa pa, responsibility ko siya.

HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon