Chapter 39: Lila's Day

6K 210 24
                                    

Lila



Nagising ako dahil sa malambot na mga labi ni Sarah na dumampi sa aking noo.



"Hmmmm..." Napa ungol ako bago dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata at agad kong nagisnan ang mukha ng pinaka magandang babae sa balat ng lupa. Naka ngiti ito habang nakatitig pa sa aking mukha, mayroon din itong hawak na isang stem ng blue rose at iniabot sa akin.


"Good morning, beautiful." Cheesy na pagbati nito. "Happy birthday!" Dagdag pa niya.

Awtomatiko naman na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi atsaka inamoy ang bulaklak na nang galing sa kanya, kinikilig rin na tinakpan ko ang aking mukha gamit ang unan na nasa aking tabi. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa atsaka tinanggal ang unan mula sa aking mukha bago ako tinadtad ng halik sa aking pisnge, papunta sa aking leeg. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi makaramdam ng sobrang kiliti.

"Baby, s-stop it. I-I hahahaha, I can't...I can't b-breath." Tumatawa at halos maubusan na ng hininga na saway ko sa kanya. Mabuti naman at nakinig ito kaagad.

"Come on, get up there." Biglang pag-aya nito sa akin bago ako pabirong himapas pa sa aking pwet. "Today is your day so let's make it special." Dagdag pa niya atsaka ako kinindatan.


Noon ko lamang napansin na naka bihis na pala ito ng panlakad at hindi na nakapantulog. May light makeup na rin na inilagay sa kanyang mukha kaya mas lalo itong naging maganda sa aking paningin.



Bakit hindi ko kaagad iyon napansin kanina? Tanong ko sa aking sarili, bago nagsimula na rin sa pagbangon.



"At saan mo naman ako daldalhin?" May makahulugan na tanong ko sa kanya habang naglalakad patungong banyo. Nagkibit balikat lang naman ito at prenting naupo muli sa ibabaw ng kama.

"It's a surprise baby. Don't ask too many questions." Iyon lamang ang isinagot niya sa akin, bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng banyo.

Habang naliligo, hindi ko maiwasan ang hindi mapa ngiti dahil sa mga nangyayari. Hanggang ngayon kasi, hindi parin ako sanay na sa tuwing magigising ako sa umaga, ay may isang magandang binibini akong magigisdan sa pagmulat ng aking mga mata. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na magkasama at magkapiling na kami nitong muli.


Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong magkita kami nito sa Bruges, Belgium. Sa ngayon, nandito kami ngayon sa Paris, France. Dito kasi namin napag desisyonan na mag celebrate ng aking kaawaran, which is today.

Hindi na rin namin kinailangan pang kumuha ng ibang accomodation or Hotel dahil mayroon narin mismong sariling condominium dito si Sarah, kung saan pagmamay-ari na niya mismo. Mayroon itong kalakihan, tatlong kuwarto kasama na roon ang master bed at may tatlo ring bathroom. May malawak na sala sa ibaba at malawak din na kusina.


Tapos na ako sa pagligo at pag bihis, pinatuyo ko na rin muna ang aking buhok sandali, naglagay na rin ng konting makeup sa aking mukha. Pero si Sarah, nandoon parin sa kanyang puwesto kanina. Hindi ba nangangalay 'yung likod at pwet niya sa paghihintay sa akin?

Napa tikhim ako bago nagsalita. "I'm ready." Sabi ko rito dahilan upang mag-angat ang ulo niya mula sa pagkalikot ng kanyang cellphone at sinalubong ang mga mata ko.


Agad na napalunok siya at pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan. Para itong isang tigre na may nakitang masarap na pagkain sa kanyang harapan. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapaiwas ng tingin para itago ang pamumula ng aking pisnge.

"T-tititigan mo nalang ba ako 'dyan buong araw?" May pagka sarkastiko na tanong ko sa kanya. Hindi rin naka ligtas sa aking mga mata ang pamumula ng kanyang mga pisnge, bago napatikhim at nagsimula ng maglakad papalabas ng kuwarto. Ngunit agad din na muling napahinto pagkaraan ng ilang segundo. Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin nang muli siyang mapalingon kung nasaan ako nakatayo.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon