Chapter 9: Growing Emotions

6.4K 197 5
                                    

Lila






Tinatamad na bumangon ako mula sa aking kinahihigaan habang ang mga mata ay kapwa nakapikit pa. Today is Saturday and the first day for the month of September. Tiyak na mas mabilis na naman ang paglipas ng mga araw.




May tatlong buwan na rin pala simula ng makabalik ako dito sa Pilipinas. At magtatatlong buwan na rin magmula ng maging manager ako ni Sarah. Well, it's not bad, at least kahit papaano, marami akong nakakasalamuha na mga tao at nagiging bagong kaibigan, lalo na at karamihan sa mga ito ay model pa. Akalain mo iyon? Minsan talaga expect the unexpected lalo na sa mga opportunity na dumarating sa mga buhay natin.




Minsan, ang mga bagay na hindi mo inaasahan, iyon ang pilit ibibigay sayo. May mga tao na ayaw na ayaw mo at kinaiinisan mo, pero sila parin pala ang nakatadhana para sayo.



And just like who exactly? Pilyang tanong ng aking isipan.


Nothing, just saying. Ganon talaga ang buhay, mapaglaro ang mundo.


"Ehem!" Bigla akong napapitlag ng marinig ang pagtikhim na iyon. Napatingin sa ako pintuan ng aking kuwarto kung saan nakatayo si Sarah habang naka sandal pa ito sa may frame ng pintuan.



"Good morning." Pormal na pagbati nito ngunit mayroon namang nakakalokong mga tingin. "Thinking about me?" Sabay ngisi nito at tuluyan ng napatalikod.



Iiling-iling ako na nakatingin sa kanyang likuran habang bumababa sa kama.



"Asa." Bulong ko sa sarili.


"Hey, I heard that." Hindi pa pala ito nakakaalis. Hindi ko maiwasan ang hindi mapa irap.


Oh please. Not again. Masyado pang maaga para mainis na naman ako sa babaeng ito.



"What do you want now, Sarah?" Pagtataray ko rito habang inaayos ang ibabaw ng aking kama.



"Nothing." Tipid na sagot nito. "I just want to say that you can come down the stairs because I only cook once." Dagdag pa niya.



Kunit noo at nagtataka na napa tingin ako rito.



"That's if you just want to." Wika pa niya bago tuluyan ng tumalikod sa akin.



Ipinagwalang bahala ko na lamang ang sinabi nito atsaka nagtungo sa loob ng banyo, maliligo na lamang siguro muna ako bago bumaba.



Michael is out of town, so I have no choice but to get stuck in this house again with Sarah. Ugh! This is so annoying day again for me!



It took me an hour before I finally finished everything and finally got down to the living room. Pababa lamang ako ng hagdanan nang naaamoy ko na ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Sarah.



Dumiretso ako sa sala at doon naupo sa sofa. Dala-dala ko rin ang aking laptop dahil napaka dami kong email na kailangang i-check ngayong araw.



While waiting for my laptop to open, I couldn't help but stare at the kitchen where Sarah was busy cooking. She was hot on her apron while her hair was on a pony tail and a bit messy.


Ang cute niyang tignan lalo na kapag kumukunot ang kanyang noo dahil sa masyado itong seryoso sa pagluluto. Mula sa kanyang magandang mukha, bumaba ang aking mga mata sa kanyang katawan.


I was facing her back. She wears a big size t-shirt that is only half of her thigh. Hindi ko rin mapigilan ang aking mga mata na maglakbay pa papunta sa kanyang mahahaba, napakinis at mapuputing legs. Lalo na noong napadako ang aking paningin sa laylayan ng suot nitong shirt kung saan alam kong wala itong ibang suot sa loob kung hindi underwear lamang.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon