Lila
Halos magdadalawang linggo na naman akong iniiwasan ni Sarah. Hindi ko alam kung bakit, ayaw naman kasi niyang sabihin sa akin. Minsan okay naman ang pakikitungo nito, pero madalas, wala siyang gana at bigla nalang mapapatulala. Hindi naman ako nag kulang para tanungin o alamin kung ano ba ang pinagdadaanan niya.
Palagi niyang iniiba ang topic o kung hindi naman, mas gusto niya nalang ang matulog kaysa ang kausapin ako.
Sa totoo lang, nahihirapan ako kapag ganito kami. Dahil gusto ko, kung may problema man siya eh nandiyan ako palagi para sa kanya. Gusto ko ako palagi ang aalalay at ang malalapitan nito. Pero paano ko magagawa iyon kung siya mismo, ayaw nitong mag sabi sa akin.
Namimiss ko na rin siya, iyong masasayang mga kulitan moments namin. Iyong mga paglalambing nito sa akin kahit hindi naman kailangan o hindi ko hinihiling na gawin niya para sa akin.
Sa buong araw ngayon, nahirapan akong i-handle siya. Napagsabihan ko pa ito ng kung ano kanina sa harap ng iba dahil...ewan ko, nakakapuno na. Pati iyong ibang staff dito, nadadamay dahil sa init ng ulo niya.
Kaya heto, habang nagliligpit ang lahat ng kani-kanilang mga gamit ay naghihintay naman ako na matapos si Sarah, sa pagpalit nito ng damit.
I can't take this anymore. Gusto ko na siyang makausap. Gusto ko ng maging maayos kami. Gusto ng bumalik na kami sa dati. Gusto ko ng...gusto na muling makita ang mga ngiti niya.
Hindi nagtagal ay may narinig ako na parang may maingay at naghihiyawan sa hallway. Curious na napatayo naman ako mula sa aking kinauupuan at agad na nagtungo roon, para narin sana maki-tsimis, kung ano man ang dahilan ng ingay na iyon.
Agad na sumunod sa akin ang iilang staff na kasama ko sa Studio. Pagdating ko roon, medyo marami nga ang mga tao at lahat sila ay agad na napatingin sa akin.
Nagtataka at medyo natatawa pa na tinignan ko sila.
"What are you guys looking at?" Tanong ko pa. Lahat sila ay tila ba may itinatagong kilig sa likod ng kanilang mga mata, bago napatingin sa aking likuran.
Napalunok ako at agad din na napalingon sa sa kanilang tinitignan. Ngunit ganoon na lamang ang laking gulat ko nang makita si Michael na nakatayo sa aking harapan habang may hawak-hawak na bouquet ng paborito kong bulaklak.
"Ms. Lila, hindi mo naman sinabi na may Mr. Hottie ka palang boyfriend." Kinikilig na sabi ng isang staff na bakla. Na agad naman na sinang-ayunan ng lahat.
Habang si Michael naman ay medyo nahihiyang napapatitig lamang sa akin. Medyo namumula rin ang kanyang pisnge, halatang nagbblush.
Pilit na itinago ko ang aking gulat sa pamamagitan ng isang ngiti. Dati-rati kasi nagsasabi ito kung pupuntahan man niya ako, o magtetext muna sa akin.
"Michael, what are you doing here?" Pagtanong ko bago lumapit sa kanya.
Malawak ang ngiti na ini-abot niya sa akin ang kanyang hawak, na agad ko namang tinanggap. Pa simple na inamoy ko rin muna ang mga bulaklak atsaka muling ibinalik ang mga mata sa kanya. Nasesense ko rin mula sa expression ng kanyang mukha na tila ba kinakabahan ito.
"Ahem!" Pagtikhim niya. "Sorry babe. I just want to surprise you." He apologized.
"And?" Dagdag ko sa sinabi niya dahil alam kong may itinatago siya mula sa akin. At may dahilan kung bakit siya nandidito ngayon.
He stared at me for a moment in my eyes.
"Babe, you know more about me than I know about myself. And loving you is not a choice or an option. It is a need and a necessity." Sinasabi ni Michael ang lahat ng iyon sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga katrabaho ko. Sinasabi niya ang bawat letrang binibitiwan niya ng hindi inaalis ang kanyang mga mata sa akin.
BINABASA MO ANG
HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETED
RomanceMeet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masaya na sa kanyang binubuong pamilya. Nangako ito na magpapaka straight na at hinding hindi na muling...