Chapter 15: My True Feelings

6.2K 216 27
                                    

Sarah





Maaga pa lamang kaninang umaga, umalis na ako ng bahay. Sinikap kong hindi makagawa ng ano mang ingay upang hindi ko magising si Lila at agad na dumiretso dito sa unit ni Alice. I need someone to talk to. Nakagawa ako ng bagay na hindi dapat mangyari kagabi, at iyon ay walang iba kung hindi ang....alam niyo naman na siguro ang ginawa ko kay Lila at sa date nila Michael.


I was so stupid because I did that. What does Lila think of me now? That she is no different to the women I play with? Of course not! But for her, she still thinks like that.


Napabuga ako ng hangin sa ere habang pumaparoon at parito. At napapahawak din ako sa aking noo dahil sa hindi ko na alam ang dapat na gawin. Ayokong magpakita muna kay Lila sa ngayon. Napaka awkward noon para sa akin.


"Pwede bang maupo ka?" Saway sa akin ni Alice. "Nahihilo na ako sayo at sa palakad-lakad mo dyan." Reklamo pa niya bago napa cross arms.


Kusang napahinto naman ako ngunit nananatili paring nakatayo sa kanyang harapan. Tinignan ako nito ng may kahulugan sa aking mukha.

"Girls trouble?" Tanong niya na para bang nababasa ang nasa aking isipan. Napatango ako bilang sagot. Natawa naman siya.


"Ikaw? Kailan ka pa nagka problema sa mga babae mo?" Iiling-iling na sambit nito. "Mukhang ngayon lang yan ah. In love ka na ba ulit?" May halong pang-aasar na sabi pa niya.

Napapikit ako ng mariin. Anong sasabihin ko sa kanya? Na hinalikan ko ang best friend niya kagabi? Iyong best friend niyang may nobyo. Right!


"Alice, I'm serious." Wika ko bago siya tinignan ng seryoso sa mukha.


"Bakit? Seryoso rin naman ako ha. Ano ba kasing problema mo at pati trabaho ko eh ina-argabyado mo?" Malapit ng maubusan ng pasensya na sabi niya.


Sasabihin ko ba sa kanya? For sure magagalit siya. Hayyy. Bahala na nga!


Humugot muna ako ng isang pang malakasang lakas ng loob bago tuluyang binitiwan ang dapat na sabihin sa kanya.


"I..." Napalunok ako ng may halong kaba. "I kissed Lila last night." Diretsahang sabi ko sa kanya bago napa pikit ng mariin pagkatapos.



Ngunit agad ko rin na iminulat ang aking mga mata pagkaraan lamang ng ilang segundo dahil tahimik parin ito at walang naging reaksyon.


"You----you said, what?!" Halatang nagulat ko ito.


"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Okay?" Agad na paliwanag ko.


Liar, ang totoo niyan sinadya ko talagang mangyari iyon pero hindi dapat ganoon katagal. Gusto ko lang na...hays ewan!


Awtomatikong napatayo si Alice atsaka na meywang pa sa aking harapan habang nakataas ang isang kilay.


"Don't tell me, do you like Lila?" Maawtoridad na tanong niya sa akin na para bang isa akong bata na kanyang pinagagalitan. Ngunit hindi ako kaagad naka sagot sa kanya, kilala ko si Alice. Mahirap magsinungaling sa kanya at magaling din siyang magbasa ng iniisip ng ibang tao.


I tried to open my mouth to explain myself but no words came out of it.


"Ito na nga bang sinasabi ko." Tuluyan na nga itong nainis. Napahinga siya ng malalim at tinignan ako ng matalim sa aking mga mata. Walang nagawa na naupo na lamang ako sa couch at hinintay ang mga sermon na sasabihin niya.


HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon