Chapter 27: Quality Time

5.1K 162 16
                                    

Lila






Makalipas ang ilang araw pagkatapos naming magkaayos ni Sarah, ay agad na pumunta ako kina Breeze. Bilang pangako sa akin ni Billy, sa favor na hinihinge ko sa kanya.



Hindi na kasi nito magagawan pa ng paraan kaya si Breeze na lamang ang pinagbilinan nito sa gusto kong mangyari. Kailangan kasi nitong pumunta ng Macau kaya wala akong choice kung hindi sundin nalang ang sinabi niya. Bagay na ikinatampo pa ni Breeze dahil pwede naman daw akong lumapit sa kanya, ano mang oras.



Pagdating ko roon, walang ibang tao ang nasa bahay nina Breeze kung hindi siya lamang at pati na rin si Adriana.



"Here." Pag-abot sa akin nito ng susi ng kanyang beach house. Ipinahiram niya na iyon sa akin, bilang tulong nila ni Billy, upang mas maging maayos pa kami ni Sarah.



"Thanks!" Agad na pasasalamat ko naman rito bago kinuha mula sa kanyang kamay ang susi.



Makahulugan na tinitigan naman ako ni Adriana, habang si Breeze naman ay may nakakalokong ngiti na sumisipil sa gilid ng kanyang labi.



"Ugh! Don't look at me like that." Bago ako napaiwas ng tingin sa mga ito. Natawa ng mahina si Adriana.




"Seryoso ka ba talaga dyan sa ginagawa mo?" Tanong nito sa akin. Hindi parin niya inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Napa irap ako.



"Yes, Adriana. I-I love her." Pag-amin ko rito.



"And what about Michael? He loves you, Lila. Are you really going to put everything at risk just because of that woman?" Nahihimigan ko ang di pagka gusto nito sa aking desisyon.



"That woman." Pag ulit ko sa sinabi nito bago napatango. "I love that woman, Adriana." Dagdag ko pa.



"Please, alam kong hindi mo gusto si Sarah para sa akin dahil lang sa may past sila ni Catherine." Sabay napalingon ako kay Breeze na nakikinig lamang sa amin. "But I think, Breeze is okay with it. Right Breeze?"



Matagal na tinitigan ako ni Breeze sa aking mukha bago napatango. "Lila's right." Pag sang-ayon nito sa akin. "And besides, you can't stop love. They love each other, Adriana. Nakita ko kung paano siya tignan ni Sarah noong na-encounter natin sila sa mall."



"So hahayaan mo nalang sila?" Tanong ni Adriana in disbelief.



"Why not?" Muling sagot naman ni Breeze atsaka lumapit sa tabi ni Adriana. "Come on, Adriana. You will also learn to love again and when that happens, saka mo lang maiintindihan si Lila." Paliwanag ni Breeze sa kanya.



Sa aming magkakaibigan, si Adriana ang mayroong pinaka mapait na naranasan tungkol sa pag-ibig. Pangalawa si Billy. But Billy is stronger than her.



Tahimik na pinagmamasdan ko lamang si Adriana. Bukod sa akin alam kong may ibang bagay pa ang gumugulo sa isipan niya. At mukhang alam ko na kung ano iyon



"And what's with the face Adriana?" Kanina ko pa rin kasi napapansin na mukha siyang problemado at hindi lamang iyon tungkol sa akin.



"Mukhang kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo, hindi mo ba sasagutin?" Pagbigay pansin ko rin dahil kanina pa siya pa sulyap-sulyap doon.



Tinignan niya ako ng may pagkainis sa aking mukha. Atsaka napahinga ng malalim.


Biglang napatawa ng may halong pang-aasar si Breeze. "Eh paano hindi yan magiging problemado, may pinagtataguan. Ayaw tantanan ng sanggol niyang manliligaw. Naka hanap yata ng katapat." Sabay iiling-iling na paliwanag nito.



HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon