Nagsimula ang lahat sa...
"Zeus, gusto kita!"
Babaeng di ko kilala na bigla na lang nagtapat ng nararamdaman sa 'kin. Nasa likuran ko ito, at no'ng una ay inakala kong baka may iba lang itong kausap, kaso nang mapalingon ako dito ay nakatungo ito sa mismong harapan ko talaga.
"Mula pa noong mga bata tayo may gusto na ako sa 'yo. Ze-Zeus, can you be my boyfriend?"
Ang ipinagtaka ko ay kung bakit Zeus ang tawag nito sa 'kin kahit Eros naman ang pangalan ko. Ilang minuto lang ay nag-angat ito ng tingin at nanlalaki ang mga matang dinuro ako. Napatakip pa ito ng kamay sa bibig habang gulat na gulat na nakatingin sa'kin.
"Excuse me Miss, do I know you?" takang tanong ko dito.
"Ah..hehehe. Nice to meet you, bye." Matapos magsalita nito ay bigla na lang itong kumaripas ng takbo palayo, yung tipong nag-iwan pa ng agiw sa dinaanan sa sobrang bilis nang takbo.
+++©All rights reserved 2020
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...