(Athena's P.O.V)
Lunch time na at kasalukuyan na kaming nagsipaglabasan sa mga classroom namin. At parang nagiging usual na na magkasama ulit kami nina Eros, Tim at...Hera na papuntang canteen ngayon.
"Grabe naman si Miss Villa magbigay sa 'tin ng seat work. Halos kasisimula pa nga lang ng pasukan, gano'n na kaagad ang pinagawa sa 'tin. Buti na lang nakapag-advance reading ako kagabi, eh ikaw Eros?" daldal nitong si Hera kay Eros.
"Same," tipid lang na tugon ni Eros, samantalang nakabuntot lang ako sa kanilang dalawa. Si Tim naman, ayon nanguna na sa paglalakad gutom na gutom na daw kasi sya.
"May naalala tuloy ako bigla kay Miss Villa, no'ng nasa elementarya pa lang kasi ako, katulad din nya ang teacher namin sa Science," sabi nitong si Hera na lihim kong ikinairap. Basta lang may mapag-uusapan.Hmp!
Hindi ba sya nababagot kakausap dito kay Kupido? Eh, para na nga syang nakikipag-usap sa punong kahoy sa sobrang tahimik nitong si Eros. Tapos kung sumagot pa parang nakakayaman ang pagsasalita at pinagdadamot nya masyado.
Sa sobrang pagkaumay kong pakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa, nilampasan ko na lang sila. Mas mabuti pang pagkain ang iintindihin ko.
Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto si Hera. Umpisa pa lang, ayaw na ayaw ko na sa kanya. Mabait naman si Hera, mahinhin, at maganda rin katulad ko, ehem! Pero, kahit anong gawin ko, ayaw ko talaga sa kanya. Palagi nya na lang kasing naaagaw ang lahat....char lang!
Medyo madrama ako ngayon, bakit kaya?
Gurr* Malakas na kulo ng t'yan ko. Senyales na gutom lang pala ako kaya ako madrama ako ngayon.
Pababa na sana ako ng hagdan nang may biglang tumulak sa 'kin at huli na ng mapagtanto kong malalaglag na ako ng hagdan.
Shit!
Napapikit ako sa takot. Ngunit nang muli akong nagmulat ng mata ay nagulat na lang ako nang mapagtantong nakapulupot na pala ang kaliwang braso ni Eros sa biwang ko. Napigilan nya akong malaglag sa hagdan. Kasabay niyon ay ang pag-slow motion ng nasa paligid namin nang mapatingin ako sa mukha nya na may bahid ng pag-aalalang nakatingin sa 'kin.
Dug! Dug!...Dug! Dug!...
"Okey ka lang?" sabi nya na may bahid din ng pag-aalala sa tuno ng pananalita. Napakurap-kurap lang ako mula sa pagkagulat sa mga pangyayari. Para kasing naging mabilis ang lahat.
"My gosh! Are you alright, Athena? Ano ba 'yong mga babaeng 'yon hindi nag-iingat sa pagtatatakbo, parang mga bata. Muntik pa tuloy silang makadisgrasya." Nabaling ang atensyon ko kay Hera na nasa tabi lang namin.
"Goddamnit! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa paligid mo!? Look what had just happen, muntik ka ng mapahamak! You're so stupid! " singhal ni Eros na talaga namang ikinagulat ko.
Binitawan nya ako pagkatapos at nakita ko ang unti-unting pag-igting ng panga nya at ang matatalas nyang tingin na talaga namang nakakanuot hanggang buto sa 'kin.
Grabe ang sakit nyang magsalita ah.
Naramdaman ko na parang nanubig ang gilid ng mga mata ko, kaya inis ko itong pinalis gamit ang kamay ko. Sinamaan rin sya ng tingin pagkatapos.
"Bakit ka nagagalit!?" singhal ko rin sa kanya na marahas nyang ikinabuga ng hangin at pinukol ako ng hindi makapaniwalang tingin.
"Are you out of your mind? What if you really fell into that stair!?" muling singhal nya na lalong ikinasama ng pakiramdam ko. Hindi kasi ako sanay na sinisermonan.
"Mahulog na kung mahulog, wala kang pakealam! Tsaka, grabe ka naman magsalita, inano ba kita, ha!?" sabi ko sa kanya na pinipigilang wag mapahikbi bago ako nanakbo paalis.
++++
Okey, medyo sabaw ang update na 'to. Pero okey lang, sabi nga nila, nasa sabaw ang sustansya😹😹😹
Don't forget to leave vote and comments😘
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...