Chapter 12: If I could

330 79 55
                                    

"Fortunately, minor injury lang naman ang natamo ng braso nya. Kailangan lang nitong malapatan ng yelo para hindi mamaga," paliwanang ng isang student nurse matapos nitong suriin ang braso ni Asungot.

Tinanguan ko lang ito bilang pagtugon bago ito umalis.

Nakapamulsa akong lumapit kay Asungot na kasalukuyang nakaupo sa isang plastic na upuan malapit sa isang clinic bed.

Unti-unti syang tumingala sa 'kin tapos ngumiti ng bahagya. "Salamat pala doon sa pagtatanggol mo sa 'kin kanina ah. Na-appreciate ko 'yon, sobra. Feeling ko nga nasa isang teleserye ako ng mga time na 'yon, hehehe."

Psh! Ang lawak ng imahinasyon.

"Ginawa ko lang 'yon dahil yun ang tama." Akala ko ay mababago ng sinabi ko ang ngiti sa mukha nya pero nagkamali ako nang mas lalo lang syang ngumisi.

"Kahit na, nakakakilig kaya 'yon 'no."

Hayst! Bahala sya. Paniwalaan nya ang gusto nyang paniwalaan.

"Kumusta 'yang braso mo? Masakit pa ba?" Inilihis ko na lang ang usapan bago pa sya mag-imbento ng kung ano-ano na naman.

"Heto, okey naman. Pero, hehehe, concern ka pala sa 'kin. 'Kaw ah!" sabi nya na sinundot-sundot pa ako sa braso; bagay na ikinaismid ko.

"Pero seryoso, walang halong biro, salamat talaga," biglang sinserong sabi nya na nakipagtitigan pa sa 'kin. Hindi ko iyon inasahan kaya parang sa isang iglap ay nanibago ako sa inakto nya.

Napaiwas ako ng tingin at sa huli'y tumalikod na lang sa kanya.

"Sa'n ka pupunta?" takang tanong nya.

"May aasikasuhin lang."

"Eh? Iiwan mo ako dito? Nang mag-isa?"

Muli akong humarap sa kanya. " 'Wag kang mag-alala, hindi naman totoo ang multo. At kung meron man, wala silang balak na magpakita sa 'yo." Napangiti ako nang makita ko kung pa'nong namutla ang itsura nya. Pero kalauna'y tumaas din ang kilay nya na napapatingin sa 'kin.

"Sinasabi mo bang mas nakakatakot pa ang mukha ko kesa sa multo?" naiinis na sabi nya na napapasimangot pa.

"Hindi naman. Kaya lang sa pagkakaalam ko pinakaayaw ng mga multo ang mga maiingay na taong katulad mo," natatawang sabi ko bago tuluyang lumabas ng kwartong 'yon.

Kaagad kong tinungo ang opisina ng Principal dahil nasisiguro kong nakarating na dito ang nangyaring kaguluhan kanina.

"Pumasok ka," tugon ng Principal matapos kong kumatok ng tatlong beses.

Nang makapasok ay kaagad kong iniyuko ang ulo ko sa harapan nya, tanda ng pagrespeto ko. "Sit down."

Kaagad akong tumalima sa sinabi nito at umupo sa upuan kaharap ng desk niya.

"May pinatalsik kang mga estudyante?" walang ligoy na tanong nya na hindi ko na ikinagulat dahil inasahan ko naman na 'yon.

"May nagawa silang hindi ka-nais-nais sa kapwa nila estudyante. Isang sapat na dahilan para mapatalsik sila. Alam nyo naman po na sinusunod ko lang ang batas ng eskwelahang ito," seryosong paliwanag ko dito na hindi na masyadong tinukoy ang partikular na nangyari. Paniguradong alam naman nya 'yon.

"Bueno, wala naman akong problema do'n. Ayoko ko rin namang magkaroon ng mga estudyanteng walang asal. So..how's your study?" lihis ng Principal sa usapan na hindi ko inasahan kaya napaangat ang tingin ko dito.

"Maayos naman po," sabi ko nang makabawi.

"I am not asking you that as your Principal, but as your father."

Nagulat ako sa sinabi nito pero napiling 'wag ipahalata iyon.

"Walang dapat alalahanin do'n. Nasa tamang sitwasyon naman po ako...Dad."

Ilang minutong namayani ang katahimikan bago ko narinig ang pagbuntong-hininga ng Principal. "Bueno, makakaalis ka na," sabi nito.

Wala rin akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang dito bago lumabas sa opisina nito.

Nang tuluyang makalabas ay saglit akong napatitig sa pintuan ng opisina nito at malalim na napabuntong hininga.

If I could only bring her back.

+++

Don't forget to leave vote and comments 😊

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon