(Athena's P.O.V. ito)
Kasalukuyan akong humihigop ng sabaw ng cup noodles nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello Tatang, nagawa mo na po ba ang iniutos ko sa inyo kagabi?" Agad na bungad ko dito nang masagot ko ang tawag.
("Yes, Miss,") kaagad na tugon nito na ikinatango-tango ko kahit hindi naman nito nakikita.
"Sige, marami pong salamat," sabi ko na hindi na hinintay ang tugon nito't binaba ko na kaagad ang linya.
Nagtataka siguro kayo kung sino 'yong katawag ko kanina ano? Well, si Tatang 'yon.
Oo, seryoso ako. Si Tatang 'yon.
Pero hindi ko naman sya kaano-ano. Hindi kami related by blood. Family driver lang namin sya. At may inutos ako sa kanya kagabi na hindi nyo dapat paghinalaan dahil hindi naman ako mamamatay tao.
Anghel kaya 'to. 'Di makabasag pinggan, bwehehe.
Anyway, minadali kong ubusin ang laman ng cup noodles at inilapag ang walang laman nito sa lababo. Napangiwi pa ako nang makitang tambak na pala ng cup noodles ang lababo.
Nakakatamad kasi talagang magluto at...maghugas ng mga pinggan, kaya cup noodles na lang para hindi na kailangan, hehehe.
Agad akong pumasok sa kwarto para isuot ang bagong-bago ko lang na tuping uniporme. Hinatid lang rin ito ni Tatang kagabi sa'kin.
Tinignan ko ang sarili ko sa human size na salamin ng kwarto ko, tapos napaikot-ikot pa sa harapan nito para lang tignan kung bagay ba talaga sa'kin ang unipormeng suot. Ang style kasi ng uniporme ay parang kahawig ng sa mga anime na palabas.
Simpleng puting blusa lang naman sya sa upper na may logo ng school at nameplate sa kaliwang dibdib. Kulay itim naman na palda ang pang-ibaba na hanggang kalahati ng hita ko na sinapawan ko lang din ng itim na panloob para di makitaan. Tapos kulay itim na medyas na abot hanggang binti at itim na sapatos naman ang pinakaibaba. Chos' na-imagine nyo? Kung hindi, imaginin n'yo.
Namataan ko naman si Miming na umakyat sa kama ko tapos tumingala sa'kin. Nakangiti akong lumapit dito at umikot-ikot sa harapan nito na para bang nahihibang kahit hindi naman nito naiintindihan ang ginagawa ko.
"Bagay ba sa'kin, Miming?" Tanong ko dito kahit alam ko namang hindi ako nito masasagot.
Pero naimbyerna ako bigla nang parang siniringan lang ako nito at mabilis na tumalon sa kama para manakbo palabas ng kwarto ko.
Takot na takot lang ang peg. Kainis na Miming 'yon, nahawa na ata sa pagiging dedma ni Eros.
Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ay lumabas na kaagad ako sa apartment ko at ini-lock iyon. Nagmadali akong pumunta sa maliit na garahe kung saan nakita ko kaagad ang bago kong bike katabi ng bike ni Eros. Kulay asul iyon, samantalang itim naman ang kay Eros. Pero, pareho lang din naman kami ng disenyo ng bike, nagkaiba lang talaga sa kulay.
Ito 'yong inutos ko kay Tatang kagabi. Kasi na-realize ko na nakakahiya nang makiangkas sa bike ni Eros kahit wala naman talaga akong hiya, chos'!
At tsaka, ngayon ko lang din napagtanto na mukhang mas astig mag-bike papuntang school. Kasi 'di lang traffic ang maiiwasan mo, kundi maiihersisyo ka pa. Kaya, ano pang hinihintay n'yo? Bili na rin kayo ng bike.
Char! Promoter na pala ako ng bike.
Hindi pa nga ako tuluyang nakalapit sa bike ko nang mamataan ko kaagad si Eros sa may di kalayuan na paparating na rin sa kinaroroonan ko. Pareho naman kasi kami ng direksyong pupuntahan.
Hindi nya kaagad ako napansin dahil nakakunot na naman ang noo nya habang dinudutdut ang cellphone na hawak. High blood na naman po siguro.
"Eros!" Tawag ko kaagad dito na kinumpas pa ang kanan kong kamay para makuha ang atensyon nya. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad nya rin akong tinapunan ng tingin.
Sabeh!
Kaagad kong napansin ang pag-angat ng kilay nya nang suriin nya ng tingin ang kabuuan ko.
"Bagay ba?" Tanong ko dito nang tuluyan na itong makalapit. Pero ang mokong wala man lang reaksyon at sandali lang na tinapunan ulit ng tingin ang suot ko bago ako lampasan at tinungo ang bike nya.
Kainis talaga 'to.
Sumunod na lang din ako sa kanya nang nakasimangot. Tulad nang inaasahan ay nagtaka sya nang makita ang bago kong bike.
"Anong masasabi mo? Okey ba?" Pagyayabang ko ng bike ko sa kanya.
At ano pa nga bang aasahan nyo sa kanya?
Binigyan nya lang naman ako ng thumbs up at kaagad na nagpedal paalis.
Hmp! Anong klaseng tugon 'yon?
"Woi! Hintay naman dyan!" Tawag ko sa kanya habang nagkukumahog rin sa pagpe-pedal ng bike ko para lang makahabol sa kanya.
++++
Tuyong update.
Babawi na lang sa susunod😘Don't forget to leave vote and comments.😘😘
Nagmamahal pero hindi tanga,
[A/N]
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...