Chapter 6: I'll be watching you

443 101 67
                                    

Kasalukuyan akong papunta sa bike ko nang matigilan lang dahil katabi ng bike ko ay nakatayo na naman ang ngiting-ngiting si Asungot.

Bakit pa 'to nandito?

"Ang tagal mo naman. Kanina pa ako dito naghihintay eh," reklamo nya na napili ko na lang na 'wag pansinin. Lumapit ako sa bisikleta ko para tanggalin ang lock sa bandang gulong nito bago sumampa.

"Te-Teka sandali naman. Ikaw ah! Ang hilig mo talagang mangdedma kahit kailan. At tsaka, wala kang utang na loob, pagkatapos kitang hintayin ng mga 30 seconds iiwan mo rin pala ako dito?" Napatingin ako sa kanya nang bahagya nyang hilahin yung angkasanan ng bike ko sa likuran.

Aish! Sino bang may sabing hintayin ako ng babaeng 'to?

"Pwede ba akong makiangkas?"

Matagal ko syang tinitigan na animo'y kinakalkula ko pa kung paaangkasin ko ba sya o hindi. Pero sa huli, "No."

Maguumpisa na sana akong mag-pedal paalis nang muli lang rin akong napahinto nang mapagtantong nakahawak pa rin sya sa angkasanan ng bike ko.

Binalingan ko sya ng masamang tingin dahil nagsisimula na naman akong maasar sa kanya.

"Please?" makaawa nya na pinagdikit pa ang dalawang palad na animo'y nagdadasal.

Tsk! Ang kulit.

"Fine."

"Yey! Hehehehe." Tuwang-tuwa syang umangkas, samantalang natitigilan naman ako nang walang ano-ano'y yumakap sya sa biwang ko.

Malakas kong tinampal ang kamay nya. ''Aray naman!'' reklamo nya.

"Sa balikat ko ka humawak," sabi ko na sinunod naman nya.

"Psh! Ang arte," rinig kong reklamo nya pero hindi ko na lang yun pinagtuunan pa ng pansin at magsisimula na sana ulit mag-pedal nang...

"No!"

Pareho kaming napatingin ni Asungot sa sumigaw.

"Wah! How dare you touch my property!" Nanggagalaiting sabi ni Duday habang papalapit sa direksyon namin.

Ano na naman kaya ang problema ng Nene na 'to?

Honestly, ngayon ko lang nakita itong side ni Nene na galit. But then, she's actually look cute. Nakaramdam ako ng kaunting pangungulila para sa isang kapatid na kailanman ay hindi ako nagkaroon.

"Eros! How could you do this to me!" Maktol na sabi ni Nene nang makalapit sa 'kin. Samantalang, napapataas ang sulok ng labi ko sa iniasta nito.

"Nene, ang alam ko 8:35 na, 7:30 ang flag ceremony nyo diba?" Sabi ko kay Duday na nanlalaki ang mga mata ng ma-realize iyon.

"Omo! Oo nga, patay!" Akala ko aalis na siya pero humirit pa pala sya ng masamang tingin kay Asungot. Dinuro nya ito gamit ang dalawa nyang daliri.

"I'll be watching you,"matapos itong sabihin ni Duday kay Asungot ay nagmadali na itong tumakbo.

"Hayst! Nakakainis talaga ang paslit na 'yon!'' Rinig kong reklamo ni Asungot sa likuran ko.

Pagdating sa lot ng campus ay sakto namang kakadating lang din ni Tim at nakita nya kaming dalawa ni Athena.

"Yamatz! Bro, ano 'yan? Hahahaha! Parang kahapon hindi kayo halos magkasundo nitong si Athena ah, pero ngayon..." Pinabitin nya ang sinabi tapos nanunuksong pinalipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa ni Athena.

"Magandang umaga Tim. Alam mo ba Tim, magkapitbahay pala kami nitong si Eros. Ang saya 'di ba?" tuwang-tuwang balita ni Asungot kay Tim.

Anong masaya do'n?

"Ang daya mo Bro, bakit hindi ka man lang tumawag sa 'kin na kapitbahay mo na pala itong si Athena?" Bumusangot ang mukha ni Tim sa harapan ko na para pang nagpapa-cute.

"Lumayo ka sa harapan ko bago pa kita mabigwasan," seryosong sabi ko kay Tim na tatawa-tawa lang at nakikipag-usap na ulit kay Athena.

"Nakakainggit naman itong si Eros. Hayaan mo, this weekend bibisita ako sa lugar ninyo. Magpapaturo lang ako kay Eros ng mga secret da-moves nya."

Gago!

"Anong ibig mong sabihin?" inosenteng tanong ni Asungot kay Tim.

"Wala yun, hehehe."

+++++

Iyan na muna para sa chapter na 'to😘😘

Don't forget to leave vote and comments 😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon