Back to Eros' P.O.V tayo
"Pft! Hahahaha! Sinabi talaga nila 'yon?" tawang-tawang tanong ni Tim matapos marinig ang kwento ni Athena tungkol sa nangyari kanina sa P.E.
"Oo, pero hindi naman ako naniniwala na bakla talaga si Eros 'no. Kaya nga nagalit ako sa kanila at sinumbong ko sila kay Sir. Nga lang, nadamay pa din ako sa punishment. Nakakainis!" dagdag paliwanag ni Athena.
Hayst! Ang ingay nya.
Nahinto sa pagtawa si Timothy nang tumunog ang cellphone nya.
"I gotta pick this hot chick's call," ngingisi-ngising sabi ng gago nang sagutin ang tawag at lumayo sa 'min.
"Ano yung hot chick? Manok ba 'yon?" inosenteng tanong ni Asungot.
Seriously?
Hindi ko sya pinansin at tumayo sa upuan para bumili ng makakain sa counter nitong cafeteria.
"Sa counter ka? Tara." Naunang pagyaya niya na kaagad bumuntot sa 'kin sa likuran.
Papalapit na sana ako sa counter ng cafeteria nang matigilan ako dahil may malakas na lumagapak na nanggaling sa likuran ko. Nang malingunan ko ito ay gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita si Asungot na nakahiga na sa sahig; namimilipit habang nakahawak ito sa kaliwang braso.
"Masarap ba ang pagkakatulak ko sa 'yo? Alam mo bagay lang 'yan sa 'yo, epal ka kasi!" Napabaling ang tingin ko do'n sa babaeng nagsalita. May kasama pa itong apat na babae na tila naaaliw pa habang pinapanood ang namimilipit na si Asungot sa sahig.
"Aray..." Muli akong napatingin kay Asungot nang marinig ko ang impit nitong pag-daing.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding galit sa nasaksihan at ramdam ko ang panlilisik ng aking mga mata nang lingunin ko ulit ang mga babaeng umapi kay Asungot.
"Miss Tessa, Rina, Mica, at Miralyn." Alam ko ang pangalan nila dahil nabasa ko naman yun sa mga tag na nakadikit sa uniform nila. At lahat sila ay pawang mga natitigilan nang matawag ko ang mga pangalan nila.
" Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung inaagrabyado nyo ang kapwa nyo estudyante. Simula bukas, mag-drop out na kayo," mariing sabi ko sa mga ito na hindi na maipinta ang mga reaksyon sa mukha.
Ngayon lang kasi ako nakialam sa mga ganitong kahulugan kaya hindi nila inasahan.
Agad akong lumapit kay Asungot at yumuko para iabot sa kanya ang kamay ko.
"Kaya mo namang tumayo, hindi ba?" tanong ko sa kanya na sandali nyang ikinatigil bago tumango-tango at abutin ang kamay ko gamit ang kanan nyang kamay.
"Saan ang masakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Hindi sya sumagot bagkos ay hinawakan lang nya ang kaliwa nyang braso.
Damn!
Napapaigting ang panga kong muling tumingin do'n sa apat na babae.
+++
Don't forget to leave vote and comments😘😘
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...