A special mention to @fantasticAnghela for showing a heartfelt support for this story. Muahhh😘 yah also one of the best.
++(Eros' P.O.V)
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok na naririnig ko mula sa labas.
Nanlalata akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Sinipat ko ang relos ko sa palapulsuhan at napagtantong tanghali na pala.
" Eros, pagbuksan mo ako." Tinig pa lang, alam na.
Pinagbuksan ko ito at bumungad ito sa 'kin na may dalang maliit na lunch box na inaabot sa 'kin. Sandali ko lang itong tinapunan ng tingin tapos ay tumingin na ulit sa kaniya.
"Um-absent na lang ako ngayon para masamahan kita," sabi nya na kinunutan ko ng noo.
"Ano 'yan?" tanong ko taliwas ng mga pinagsasabi nya. Ikinasimangot naman nya ito na kanina lang ay ang laki-laki ng ngisi.
"Hay naku, malamang lunch box 'to. 'Di mo alam? Grabe, you're so...," nahinto sya sa sinasabi dahil ang sa pag-sama ng tingin ko sa kanya.
"Anong laman nyan?" tanong ko na lang ulit.
Kahit kailan talaga.
"Adobo, hehehe," sabi nya na ikinangiwi ko.
Naalala ko bigla 'yong adobong binigay nya sa 'kin noon.
" Sa'yo na lang 'yan," sabi ko at akmang isasarado 'yong pinto nang humarang sya.
"Ito naman, halatang-halata sa mukha mong ayaw mo lang talaga nitong niluto ko. Promise, hindi na 'to kagaya nang dati," sabi niya na iminuwestra pa ang kanang kamay na parang namamanata.
Napabuntong-hininga na lang ako at tuluyang kinuha sa kaniya ang lunch box.
"Sige, babalik ako mamaya ah," sabi nya at hindi na hinintay na may masabi ako at kaagad na umalis.
Psh! Bakit pa sya babalik?
Sinarado ko na ang pinto bago ko tinungo ang kusina at inihanda ang kakainin; dala ang lunch box na binigay ni Asungot sa 'kin.
Unang tikim ko pa lang sa adobong niluto ni Asungot ay napangiwi na ako sa sobrang alat nito.
Seriously, wala bang panlasa ang isang 'yon at hindi marunong tumantiya ng tamang timpla?
Sa huli, napilitan na lang din akong kainin ito dahil nasasayangan ako. Sakto namang kakatapos ko lang kumain nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko.
Hindi na kailangan hulaan pa dahil katok pa lang alam ko na.
Kaagad namang napakunot ang noo ko nang bumungad sa 'kin si Asungot na meron ng bitbit na tatlong bote ng red horse.
Ano bang nakain ng babaeng 'to?
"Mag-inom tayo?" sabi nito na tinignan ko lang nang di makapaniwala.
"Bakit naman tayo, mag-iinom?" takang tanong ko dito.
"Syempre, to wash away the pain. Char! English 'yon!"
Magaling, proud na proud sya sa sarili nya.
"Hindi naman solusyon ang alak sa problema," sabi ko pagkuwan.
"Dah! Alam mo ikaw, ang KJ mo talaga. Papasukin mo nga ako," sabi nya na bahagya pa akong hinawi para makapasok sa loob ng apartment ko.
Muli kong sinirado ang pinto ng apartment ko at tumingin sa kaniya na kasalukuyan ng inilalapag ang mga alak sa maliit na lamesa ng sala ko.
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
أدب المراهقينCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...