Chapter 16: Walastik na luto ni Athena

298 71 57
                                    

"Matagal pa ba 'yan?" nababagot na tanong ko kay Asungot habang nakapandekwatrong nakaupo sa sofa sa sala ng apartment niya.

Tama kayo ng iniisip, nasa apartment ako ni Asungot. Ang rason? Nakapangako ako na tuturuan ko syang magluto. Pero ayon, ayaw na daw nyang magpaturo sa 'kin dahil kahit papa'no naman daw ay marunong syang magluto ng mga prito-prito. Kaya lang ay lintik ang katamaran nya kaya madalas syang umaasa sa cup noodles.

Nasa kusina sya ngayon dahil ipapatikim daw nya sa 'kin ang specialty nya na natutunan at minana pa nya sa mga kanunu-nunuan niya.

Ano naman kaya 'yon? Nagdududa kasi ako.

Meow

Napabaling ang atensyon ko sa nakakainis na kulay itim na kuting na napulot ni Athena. Kanina pa ito sumisiksik sa 'kin dito sa sofang kinauupuan ko kahit ilang beses ko na rin itong inilalayo sa 'kin.

Hayst! Ang sarap nitong sakalin.

Pero syempre nagbibiro lang ako. May malasakit naman talaga ako sa mga hayop. Talagang hindi ko lang gusto ang kuting na 'to dahil sa pangalan nito. Sisihin nyo si Asungot.

"Tsaran!" Biglang sulpot ni Asungot na may dala ng food tray. Sa ibabaw niyon ay may takip na puting tela. Siguro 'yan na ang niluto nya na namana nya pa daw sa kanunu-nunuan niya.

"Ahem! Bago ko buksan kung ano 'to, pikit ka muna," sabi nya na ikinaismid ko.

Para saan pang pipikit ako kung nakatakip naman ito ng puting tela?

"Pikit na!" demanding na sabi nya kaya napapataas ang sulok ng labing pumikit ako.

Ilang sandali lang, " Buksan mo na ang mga mata mo," utos nya kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Kaagad bumaba ang tingin ko sa nag-iisang putaheng naka-display sa harapan ko.

Seriously?

Wala akong ibang nakikita sa tray kundi ordinaryong pritong itlog lang na may nakadisenyong smiley face gamit ang ketchup sa ibabaw nito.

Sa loob ng halos isang oras, ito lang ang ginawa nya? Anong espesyal dito?

"Ang tawag ko dito ay...fried egg ala-Athena," nagmamagaling na sabi niya sa harapan ko na may pahalik-halik pa sa mga daliring nalalaman. 'Yong tipong ginagawa ng mga propesyonal na tagapagluto kapag may nakakamangha silang ini-endorso na putahe.

Wala sa sariling napa-face palm ako dahil bahagyang kumirot ang sentido ko sa kanya.

Kahit kailan talaga.

"Alam mo ba na di lang ordinaryo 'tong niluto ko? Alam mo bang maliban sa nakakatakam nitong itsura ay isa rin itong art. Ang kaisa-isang masterpiece na natutunan ko pa sa 'king Ina no'ng bata pa ako dahil palagi nya akong nilulutuan ng ganito tuwing umaga."

Ano bang sinasabi nya?

"From the sauce itself, makikita mo na kaagad ang totoong kahulugan ng aesthetic," she said dreamily.

Hayst! Bibilib na ba ako?

"Maganda ang pagkakagawa mo," puri ko kahit labag sa loob ko 'yon. Kinuha ko ang tinidor sa tray at tinikman ng konti ang niluto nya.

"Anong masasabi mo?" tanong nya na taimtim na nag-aabang sa magiging komento ko.

"Masarap. Lasang pritong itlog na may halong ketchup," komento ko na ikinabusangot ng mukha nya.

"Tae ka naman eh! 'Yan lang masasabi mo?" Pagmamaktol nya.

Ano pa bang dapat ikomento ko sa niluto nya?

"Sige na, aalis na 'ko. Mukhang hindi mo na kailangan ang tulong ko sa pagluluto dahil marunong ka naman pala," sabi ko at agad na tumayo at tinungo ang pituan ng apartment nya nang hindi naghihintay ng tugon mula sa kanya.

"Hindi nya ba talaga nalalasahan 'yong nilagay kong beef na flavor sa itlog?" bulong nya na narinig ko pa rin bago ako tuluyang makalabas ng apartment nya.

+++

Don't forget to leave vote and comments😘😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon