Maaga akong nagising kinabukasan. Nakaligo na kaagad ako at nakasuot na ng uniporme nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko.
Kinutuban ako bigla dahil naiisip ko na baka yung babaeng asungot yung kumakatok sa pintuan ko ngayon. Pero sa huli pinagbuksan ko pa rin ito ng pinto.
"Hi." Napahinga ako nang maluwag ng si Duday na kapitbahay ko lang pala ang kumatok.
"Bakit, Nene?" sabi ko dito habang tumitingin-tingin sa paligid.
Hindi naman siguro taga-dito ang babaeng asungot na yun. Baka nagkataon lang na naparito sya.
Muling napabaling ang atensyon ko kay Duday nang may bigla itong iabot sa 'kin na kulay pulang papel.
Hindi na ako nagulat dahil halos araw-araw nya naman itong ginagawa. Crush nya raw kasi ako kahit ambata-bata nya pa. She's just 11 years old, for Pete's sake.
"Hmm, babasahin ko 'to," sabi ko na lang dito matapos kunin ang inabot nito. No'ng huli kasi na hindi ko tinanggap ang sulat nito ay nagpapapadyak itong umiyak sa harapan ng apartment ko nang halos buong araw.
"Hay my sungit neighbor!"
Asar! So, dito nga sya nakatira?
"Oh, sino 'yan? Kapatid mo? Ang cute nyong dalawa tingnan." Ngingisi-ngisi itong lumapit sa 'min ni Duday, samantalang kinunutan ko lang sya ng noo.
"Hindi ah! Future boyfriend ko sya. Sorry ka na lang dahil magiging akin si Eros!" Gulat akong napatingin kay Duday dahil sa sinabi niya. Samantalang natitigilan namang napatingin si Athena dito.
"Kainis talaga, palagi na lang kaming napagkakamalang magkapatid, hmp!" maktol na sabi ni Duday na inirapan pa si Athena bago umalis nang nagdadabog.
"Hanep ang batang yun ah," hindi makapaniwalang sabi ni Athena na nakaturo lang sa pinanggalingan ni Duday.
Binalingan ko lang sya nang walang ganang tingin bago ako tumalikod at papasok na sana sa apartment ko. Kaso, muli akong natigilan nang hilahin nya ang manggas ng damit ko.
"Ano?!''
" Sungit! Hindi ka ba natutuwa nang malamang magkapitbahay pala tayo?"
"Tch! Tinanong mo pa," sabi ko na tinignan sya nang walang interes.
"Ayts! Panira ka talaga ng magandang mood sa umaga, buti na lang hindi ako nagpapaapekto dyan sa panira mong aura."
Huh! Ako pa ang panira ng umaga.
"Ah...hehehe, total.." Kumunot ang noo ko nang umasta naman syang naghihiya-hiyaan sa harapan ko.
"Pwedeng ba akong makahingi ng kahit kakarampot na asin dyan? Tsaka suka na rin, samahan mo na rin ng bitsin, at paminta,hehehe. Kahapon pa kasi ako nakalipat dito kaya hindi pa ako nakapag-grocery." Napabuga ako ng hangin sa sinabi nya.
Padabog akong pumasok sa loob ng apartment ko at kahit labag sa loob ko ay binigyan ko na lang sya nung mga sangkap na kailangan nya.
"Oh!" Abot ko sa kanya niyong mga sangkap.
"Napilitan lang ganun? Psh!"
"Kukunin mo ba o hindi?" nayayamot na sabi ko sa kanya.
"Ito naman, atat na atat? Pero, hehehe, salamat pala dito." Matapos nitong magpasalamat ay agad na rin itong lumayas sa harapan ko.
Napaisip lang ako, saan kaya nya gagamitin ang mga 'yon kung hindi naman sya nang-grocery kahapon?
Kasalukuyan na akong kumakain nang may kumatok ulit sa pintuan ng apartment ko. Nang mapagbuksan ko ito ay bumungad na naman sa harapan ko ang ngiting-ngiting si Asungot habang may dala itong isang medyo maliit na bowl ng adobong manok.
So, do'n nya pala ginamit yung mga sangkap.
"Salamat dito," sabi ko nang makuha mula sa kanya ang maliit na bowl.
Isasara ko na sana ulit yung pintuan ng apartment ko nang bigla syang humarang. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Papasok ako dahil gusto kong malaman ang comment mo sa luto ko," wala naman akong nagawa nang kusa syang pumasok sa Apartment ko at nagtungo sa kusina.
Sisimulan ko na sanang lantakan ang bigay nyang adobo nang mapansin kong titig na titig sya sa 'kin.
"Ahem! Baka hindi mo alam ang right manners kapag may taong kumakain," parinig ko sa kanya na hindi man lang nya pinansin at nakatitig pa rin sa 'kin kaya napaingus ako.
Sa huli hindi ko na lang din sya pinansin at tinikman ko yung bigay nyang adobo. Pero shit! ang tamis ng lasa. Pweh!
"Ano bang nilagay mo dito?"
"Ha? Eh, ang naalala ko, nilagay ko dyan yung mga hiningi ko sa 'yo. Tapos nagkulang 'yong asin kaya naisipan kong lagyan ng asukal para maiba naman, hehehe," inosenteng saad nya.
"Natikman mo na ba itong niluto mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo kaya lang...hehehe, hindi ko nagustuhan kaya binigay ko na lang yan sa 'yo," sabi nya na hindi ko mapaniwalaan at wala sa sariling napahilamos ng kamay sa mukha.
Natigilan ako nang kumalam ng malakas ang tiyan nya.
"Ahehehe," naiilang na tawa nya na hindi na makatingin sa 'kin.
"Kumuha ka ng plato at kutsara doon." Sabi ko dito, dahil kahit papa'no ay naawa ako sa kanya.
"Bakit?" tanong nya pa na tiningnan ko lang nang walang gana.
"Ah, oo," tatango-tangong sabi nya na animo'y may napagtanto-tanto.
Tsk! Nag-a-apartment sya nang hindi man lang kayang ipagluto ang sarili.
++++
Don't forget to leave vote and comments 😘😘
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...