(Eros' PoV)
Kanina ko pa napapansing matamlay si Asungot mula nang magpaalam sya kanina na mag-c-CR.
Sa bagay ay malaking pabor nga naman talaga sa 'kin ang pananahimik nya dahil tatahimik na rin kahit papa'no ang araw ko. Kaso aaminin ko ring hindi ako sanay sa pananahimik nya.
Kung ano man ang pinoproblema nya, nakakaasar 'yon panigurado dahil pati ako ay naaabala ng kanina pa nyang pabuntong-hininga, maging sa oras ng diskusyon sa klase.
"Itigil mo nga 'yan," pasimpleng sita ko sa kanya habang nagdi-discuss pa rin ang teacher namin sa harap.
Inosente naman syang tumingin sa 'kin. "Ang alin?" tanong nya.
"Iyang pagbuntong-hininga mo," tipid kong sabi pero 'di pa man nagtatagal ay nagbuntong-hininga na naman sya.
"Hindi ko mapigilan eh." Nagkibit sya ng balikat matapos sabihin 'yon kaya sa huli ay tuluyan na talagang nawala sa diskusyon ang pukos ko.
Lumipas ang buong maghapon na gano'n lang sya. Tahimik din lang. Minsan nama'y tumutugon sa mga sinasabi at tinatanong ni Tim, pero maging si Tim ay nagtataka na ring tumitingin sa 'kin dahil napapansin nya na rin ang pagiging matamlay nito.
"Sige Bro, Athena, mauna na ako," pukaw ni Tim dito na parang noon lang ata nito napansin. Napipilitan itong ngumiti sa harapan ni Tim.
"Sige, ingat ka," sabi niya at parang wala sa sariling naglakad patungo sa bike.
Kalauna'y para naman syang natatauhang huminto at lumingon sa 'kin. "Tara na pala," 'aya nya.
Nagtatakang tingin tuloy ang ipinukol ko sa kanya bago ako tumalima sa sinabi nya. Sabay naming tinungo ang pinagparkingan ng mga bike namin.
Nang makarating kami sa apartment ay muli akong nagtaka sa kanya nang mapansing hindi pa rin sya bumababa sa bike nya at nanatiling nakamasid lang sa limang palapag na gusali ng apartment.
"Ayos ka lang ba?" Sa huli'y hindi ko rin napigilang itanong.
Sumiring naman ang tingin nya do'n sa apartment papunta sa 'kin. Matagal syang nakatitig sa 'kin na para bang may malalim ding iniisip.
"Alam mo...kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa 'kin...makikinig ako," pagkasabi ko niyon ay kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Kaasar lang, hindi ko pala dapat sinabi 'yon. Baka kung ano na namang isipin nya.
Nang mapansing parang wala naman syang balak na tumugon ay muli na ulit akong napatingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nakita kong nakangiti na sya sa 'kin.
Pinagtatawanan nya ba ako? Kaasar!
Pinanliitan ko sya ng mata kaya napalis na lang bigla ang ngiti sa mukha nya.
"Tch!" singhal ko sa huli at napiling talikuran na lang sya para hindi na magtagal pa ang kahihiyang naramdaman ko.
Pero hindi pa man gaanong malayo ang nalalakad ko nang mapahinto ako dahil sa dalawang kamay na biglang yumakap sa 'kin mula sa likuran.
Matagal akong napatulala sa pagkabigla nang dahil do'n.
"Maraming salamat," ani Asungot na para pang may diin ang pagkakabigkas ng bawat salitang binitawan.
Mabilis akong naguluhan at ramdam ko ang unti-unting pagkunot ng noo ko. Hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat na sinabi nya.
"At...sorry." Pumiyok ang boses niya nang sabihin nya ang katagang 'yon.
Hindi ko maunawaan kung ano ba dapat ang gagawin ko sa mga oras na 'yon. Ang tanging tanong na nasa isip ko lang ay kung anong dahilan ng lungkot nya at para saan ang mga sinasabi nya.
"Bakit ka nag-so-sorry?" Sa wakas ay natanong ko rin sa kanya. Namayani muna ang sandaling katahimikan bago sya tumugon.
"Sorry dahil..." pabitin nya. Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng yakap nya sa 'kin mula sa likuran. "Mahal na mahal kita."
Muli akong natigilan. Parang biglang nahinto ang mundo ko dahil sa sinabi nya. Dumagundong sa tenga ko ang binitawan nyang salita. Dagdag pa ang katahimikan ng paligid na syang nagpatibay sa umaangat na tensyon sa pagitan naming dalawa.
Wala ni isang nagsalita sa 'min sa loob ng ilang minuto at halos paghinga lang namin ang maririnig.
Damnit!
Bahagya akong lumingon sa kanya na nakayakap pa rin sa likuran ko kaso... "Huwag kang lilingon, hayaan mo lang na ganito tayo. Mas komportable akong magsabi sa 'yo kapag ganitong hindi ka nakatingin sa 'kin."
Napabuntong-hininga na lang ako sa huli at hinayaan ko na nga syang maging ganoon pa rin ang pwesto namin.
Pagkaraa'y, unti-unti kong naramdaman ang mahinang pag-alog ng mga balikat nya senyales na umiiyak na naman sya.
Asungot, ano ba 'tong ginagawa mo?
"Patawad dahil hindi ko kaagad sinabi sa'yo ang lahat. " Ramdam ko ang panginginig ng boses nya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"Patawad dahil nagpanggap ako."
Nagpanggap? Anong ibig nyang sabihin?
"Patawad sa 'di ko pa rin kayang pag-amin n'yon." Sa pagkakataong iyon ay pumiyok na naman ang boses nya.
"At patawad dahil...mahal kita, Zeus."
Zeus?
Unti-unti kong naramdaman ang bugso ng kakaibang emosyon na hindi ko mapangalanan. Nando'n 'yong pagkalito, gulat, lungkot na may halong pagkadismaya. Hindi ko mapigilang maramdaman 'yon ngayon.
Anong ibig nyang sabihin?
Unti-unting kumuyom ang dalawa kong palad at napapatiim-bagang na tumingin sa kawalan.
Naaasar sa katotoohanang hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon.
Damnit! Naaapektuhan ako ng emosyong pinaparamdam sa 'kin ni Asungot.
Ilang minutong namutawi ulit ang katahimikan hanggang sa marahas syang bumitaw mula sa pagkakayakap sa 'kin at nanakbong tinungo ang direksyon ng apartment nya.
Mula naman sa kinatatayuan ko ay pinagmamasdan ko lang ang unti-unti nyang paglayo.
+++
Labyuols😘😘
BINABASA MO ANG
It Started With Her Epic Confession
Teen FictionCompleted It all started when, "Zeus, gusto kita!" Nagtapat ang luka-lukang si Athena sa lalaking hindi naman Zeus ang pangalan. It was Eros Santillan-the snobbish, rude, and campus genius for pete's sake, not Zeus. Ang akala ng lalaking yun ay hind...