Chapter 22: Sabeh?

265 60 34
                                    

(Eros' P.O.V)

Nang makarating sa loob ng campus ay kaagad kong pinark ang bisikleta ko sa usual nitong spot. Nakita ko namang tinabi rin ni Asungot 'yong bago nyang bisikleta ng sa 'kin.

Muli akong napatingin sa kanya tapos nag-iwas din ulit ng tingin. Hindi ko ipagkakailang ang cute nya sa suot na uniporme.

'Wag nyong maliin, wala lang 'yon sa 'kin. Nasabi ko lang na cute sya kasi mukha syang siopao, lalo pa't nakabusangot ang mukha nya. Yun lang at wag kung ano-anong iniisip nyo dyan.

Pagkapasok namin sa loob ng classroom ay kaagad kong namataan si Tim at ang pinsan nitong si Hera.

"MAGANDANG UMAGA, TIM!!" Napapikit ako sa tinis ng boses ni Asungot na tumatakbong lumapit kay Tim habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

Talaga 'tong babaeng 'to. Akala mo ilang buwan o taon hindi nakita 'yong tao kung makatili.

"Magandang umaga rin sa'yo, Athena," bati rin ni Tim sa kanya.

"Hi din pala, Hera," bati rin ni Asungot kay Hera na nakaupo katabi ni Tim. Pagkatapos ay hindi man lang niya hinintay ang tugon nito at pumunta na kaagad sa upuan niya.

"Hi, Eros," bati ni Hera sa 'kin na bahagya ko lang tinanguan bago ako pumunta sa upuan ko na katabi lang din ni Asungot.

Natigilan pa ako nang makita ko si Asungot na nakapandekwartong umupo sa upuan nya. 'Di alintana kung ga'no kaikli ang paldang suot-suot.

Tsk! Napaka-unlady like ng babaeng 'to.

"Ehem! Umayos ka ng upo dahil makikitaan ka," sabi ko sa kanya nang makaupo sa silya ko.

"Hindi 'yan, may sapaw naman ako eh," angil nya na kinunutan ko ng noo.

"Kahit na," mariing sabi ko na nginitian lang nya tapos ipinatong nya sa desk pad ko ang dalawang siko at ang baba naman ay sa mga kamay.

"Bakit parang concern na concern ka kung makikitaan ako o hindi?" naghihinalang tanong nya na ikinaangat ng sulok ng labi ko.

Kung ano-ano na naman ang iniisip.

Bahagya kong tinabig ang braso nyang nakapatong sa desk pad ko at kumuha ng book binder sa bag at syang inilapag sa desk pad para mag-review.

"Kainis talaga 'to," rinig kong bulong ni Asungot na hindi ko pinansin at tuloy lang sa planong pag-re-review.

Ilang sandali lang ay pumasok na kaagad si Miss Villa, ang science teacher namin.

"Open your book on page 568 and in 1 whole sheet of paper, answer the following questions there," bungad sa 'min ni Miss Villa na kaagad naman naming sinunod.

Napansin ko naman ang katabi kong si Asungot na kanina pa naghahalungkat sa bag nito. Napansin kong wala pa itong papel at ballpen sa desk nya kaya nakuha ko kaagad ang isipin na baka wala talaga sya ng mga ito. Kahit labag sa loob ko ay nagmalasakit akong bigyan ito ng papel at ballpen. Nakakaawa naman.

"Thanks," nahihiyang sabi nito na hindi na sa 'kin makatingin. Napansin ko pang namumula ang tenga nya.

Hahaha, nahihiya rin naman pala ang Asungot na 'to. Ang cute nya.

Wala lang ulit 'yon, 'wag nyong mamaliin.

++++
Don't forget to leave vote and comments 😘😘

It Started With Her Epic Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon